Chapter 3
Sabi nga nila pag-ginusto mo huwag kang magreklamo. Kanina pa kami dito sa mall kung ano-ano ang binibili niya. Ang dami ko ng buhat na mga paper bags. Gustong-gusto ko nang magreklamo pero alam kong hindi naman pwede. Una boss ko siya kaya wala akong karapatan na magreklamo. Pangalawa ginusto ko ito. Hindi na nga sana ako tanggap kung hindi lang ako nagmatapang. Tsaka need na need ko ring magkatrabaho. Siguradong pag-ibinalita ko ito kay tita parang mabubunutan yun ng tinik sa dibdib at paniguradong hindi na ako pwedeng mawalan ng trabaho.
"That's enough; I'm going home to put everything." hanggang sa bahay niya kailangan ko pa siyang sundan. Sumunod lang ako ng sumunod sa kanya hanggang makarating kaming parking lot.
Inilagay ko na lahat ng paper bags niya sa kotse niya. Wala akong kahit na anong alam pagdating sa kotse basta ang masasabi ko lang maganda ang kotse niya halatang pang-mayaman. Bubuksan ko na sana ang pinto sa driver seat kaya nga lang pinigilan niya ako.
"I'll take the wheel instead. I don't want to have to explain where you're going every time you need to know. Remember how to get to my apartment because you'll be driving next time. Do you understand now?" Ang sungit naman. Tumango-tango na lang ako bilang pagsangayon. Ang arte-arte kalalaking tao. Pero sabagay genderless naman ang pagiinarte, ageless rin.
We're both silent, walang gustong umimik. Sabagay sino ba naman ang gustong makipagusap sa alalay niya. Hindi pa naman kami ganoon ka-close para magchismisan. Pero sana makatagal ako dito sa trabaho kong ito. Pipilitin kong intindihin ang boss ko. Ilang oras ko pa lang kasi siyang nakakasama pero iba talaga ang aura niya. Naniniwala na talaga ako sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya.
Pero hindi ko ring maiwasang mainggit sa mga katulad niya. Mga mayayaman na kayang gawin ang lahat ng gusto nila. Kahit anong hilingin nila makukuha nila. Kung minsan nga naiisip ko na sana hindi ako ipinanganak na mahirap. Dahil mahirap maging mahirap. But still I'm very thankful that I came from a poor family. Sabi nga nila,"It's better to live in scarcity rather than paradise". Mas mabuting makaranas ng paghihirap at kakulangan kesa naman masanay sa yaman, walang hirap na makukuha ang mga bagay-bagay. Dahil mas nahuhubog ang tao sa nararanasan nilang hirap.
"We've arrived; collect them all and follow me." andito na pala kami sa condo.
Dali-dali kong kinuha ang mga paper bags. Samantalang umuna na siya sa paglalakad. Hindi man lang ako tinulungan. Ang hirap naman pigilan nung trunk ng kotse, para akong madadala. Tss kahit naman alalay niya ako dapat may malasakit rin siya. Napakawalang puso niya.
Hirap na hirap na akong pumasok sa elevator pero siya patay malisya lang. Ibang klase sa pagiging pusong bato ng taong ito. Grabe talaga ang anak mayaman kahit ata makakita kang hirap na hirap na matanda hindi pa rin nila ito tutulungan.
Hay sa wakas malapit ko ng maibaba itong mga paper bags na ito. Binuksan na niya ang pinto ng condo unit niya. Napakaganda ng condominium na ito halatang pangmayaman. Para lamang akong dumi sa lugar na ito. Ang gaganda interior and exterior design. Kahit ang hallway detailed na detailed.
"Are you going to stand outside and gawk at the corridor? " masungit na tanong niya sa akin.
"Sorry naman ha ang ganda kasi ng corridor, maganda pa sakin." buti na lang hindi na niya narinig.
"Saan ko po ba ito ilalagay?" Kasi hirap na hirap na po ako kaya please lang baka pwede ko ng ibaba ito. Kadugsong sana kaso huwag na lang matanggal pa ako sa trabaho.
"Just put it in my walk-in-closet. Ako na ang bahalang magayos ng mga yan. I really don't want others touching my things." he told me habang hindi nakatingin sa akin. Arte! anong akala niya pagiinterasan ko gamit niya o kaya baka masira ko? Tsaka hindi rin para ako pa mag-ayos ng gamit niya. Multi-purpose na talaga ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...