Chapter 22

187 16 7
                                    

Chapter 22

Hindi ko alam kung anong nakain ko at sumama ako sa baliw na ito. Kung ano-ano ang lumalabas sa bigbig. Busalan ko kaya siya para manahimik. O kaya lasing siya, galing nga pala siya sa bar. Kaya kung ano-ano ang sinasabi.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama. Pero natawa lang siya sa naging reaksyon ko.

"Ako? Bakit ako? Hindi ko na nga kayo pinapakielaman. Hiniling ko pa nga na sana maging masaya kayo e." inirapan ko siya pagkatapos kong sabihin yun. Lalo lang siyang natawa.

"Ano ba kasing nakakatawa?!" Tumayo pa ako para feel na feel ko ung pagtataray sa kanya.

"You know what ayan din ang tanong ko. Sa lahat ng tao bakit ikaw pa. Bakit ikaw pa ang magpapagulo sa buhay namin? At unti-unting nagpapabago sa amin." tumawa siya nang mahina at tumingala sa langit.

"Tigilan mo nga ako sa drama mo. Kaya huwag mong ibintang sa akin kung nag-aaway kayo kasi wala akong kasalanan."

"It's been a month since we decided to separate." napalingon ako sa gawi niya nang sabihin niya yon, "Akala namin magiging okay kami simula nung naghiwalay kayo pero mali pala kami."

"Naging padalos-dalos kami sa naging desisyon namin, not knowing our true feelings. I'm not lying when I said that you are the reason why we are fighting." tumayo rin siya at lu'apit sa akin, "Janica..." hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan na hindi kabahan dahil sa ikinikilos niya. Napakaseryoso ng mukha niya. I tried to step back but he held me back.

"Ano ba ang ginagawa mo?" Naiilang na sabi ko sa kanya. Umiwas na lang ako nang tingin dahil naiilang ako sa kanya.

"I know that I hurt you but please listen to me." mas lumapit pa siya sa akin, pinilit ko pa ring umatras pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Para tuloy mauubusan ako ng hangin sa ginawa niya. Sakalin ko kaya siya para siya ang mawalan ng hangin, biro lang mabait ako e.

"Hindi 'to kapani-paniwala pero Janica..." tumigil siya saglit na parang nag-isip pa nang sasabihin. "I have feelings for you." nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Kumawala ako sa pagkakahawak niya kahit mahigpit ay pinilit kong makaalis. Lumayo ako sa kanya ay hindi ko na siya hinayaang mahawakan ako.

"Nababaliw ka na ba? Is this one of your plan? Tigilan mo ako, hindi ako natutuwa!" Hindi ko pa rin siya hinahayang makalapit sa akin. "Siguro pinlano niyo na naman 'tong dalawa! Tapos ano kapag nagawa mo na ako na naman ang iiyak. Hoy para sabihin ko sa'yo sa mga libro at palabas lang ung pinagpupustahan kaya tigilan mo ako!" Akala niya maloloko niya ako ha. Pwes akala niya lang yun. Dahil hindi ako uto-uto."O kaya naman ginagaya niyo ung uso ung nagp-prank. Andito rin si Seb 'no? Sebastian lumabas ka!" Gustong makiuso idadamay pa talaga ako.

"Totoo ang sinasabi ko Janica. Wala rin dito si Sebastian, like what I said we broke up already." Nahawakan na naman niya ako pero sa kaliwang balikat lang kaya medyo malayo pa ako sa kanya di katulad kanina.

"Nahihibang ka na ba Nikolai? Matapos mong sumulpot at sirain kung anong meron sa amin ni Seb sasabihin mo yan sa akin ngayon. Are you an idiot? Nakainom ka ba kanina? May sakit ka ba?" Inalis ko uli ang pagkakahawak niya at hindi na niya ako uli ako hinawakan.

"Kaya nga nasabi ko sa'yo na nagsisisi ako sa ginawa ko pero may parte sa akin na tama lang ang ginawa ko. Nagsisisi ako kasi nasaktan pero tama lang na ginawa dahil napahiwalay ko kayong dalawa. At least mapapadali ang panliligaw ko sa'yo." napaawang ang bibig ko nang kaunti at mas kumunot pa ang noo ko. Nag-aadik ba siya?

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon