Chapter 13

158 17 6
                                    

Chapter 13

"Yes, sir she's here" yare na talaga, ako ata ang pinaguusapan nila.

"Si Seb po yung tumawag! Ay sir pala." nagmamadali kong tanong sa kanya.

"Oo Miss Jimenez. He's asking me if you are here" simpleng sagot niya sa akin.

"Aah bakit mo sinabi na nandito po ako?" Natataranta na ako. Hindi niya ako dapat makita. Ayoko muna siyang makausap.

"Aalis muna ako Sir Kevin bahala ka na dito." tatakbo na ako sa paglabas ng office pero mabilis akong bumalik dahil natatanaw ko na siya habang tinitingnan ang phone niya.

"Ano bang nangyayari?" Hindi ko na siya pinansin. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi niya ako makita.

"Basta, kapag andito na siya at nagtanong sabihin niyo asa restroom ako." matapos kong sabihin yun ay sumiksik na ako sa ilalamin lamesa. Kamalas-malasan pa nga half lang ung harang sa ilalim ng lamesa kaya kapag nakaupo ako sa mismong upuan kita pa rin ung binti at paa ko. Kaya gumawa na lang ako ng paraan para hindi niya ako makita. Sana huwag siyang siya sumilip dito sa desk ko dahil makikita niya ako kaagad.

Natatanaw ko na ang sapatos niya mula sa lanas dahil nga glass wall ang karamihan sa building na ito. Kitang-kita ko kung paano siya nagmamadaling pumasok.

"Where is she?" Tanong niya kay Sir Kevin at halatang halata na nagpipigil lang siya ng galit.

"S-sir nasa r-restroom po siya." hays bakit ba ang hilig niyang mag-stammer.

"Ganon ba? Sige aalis na ako." lumabas na siya ng office. Kita ko pang lumakad na siya papalayo. Nang masiguro ko na malayo na siya lumabas na ako.

"Buti na lang naniwala siya. Salamat po." nags-stretch pa ako dahil sa pagkakatago ko sumakit ang likod ko. Kailangan ko na atang mag-exercise.

"Bakit mo ba siya tinataguan?" May pagchismoso rin siya e.

"Mahabang kwento po par-"

"Then make it short. Pakikwento na rin sa akin." nakatalikod pa rin ako sa kanya. Akala ko okay na, naisahan pa rin niya talaga ako. Ang sarap sigurong bugbugin ni Sir Kevin. Pagkapasok kasi ni Seb, he mouthed something at sa pagkakaintindi ko nagsorry siya sa akin.

"Aalis po muna ako. I need to finish something." at talagang iniwan niya pa ako dito.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Umupo siya at tsaka ako pinaupo rin malapit sa kanya.

"Busy kasi ako. Tsaka ung kahapon may inuutos si Tita kaya naputol paguusap natin. We're both working kaya we shouldn't disturb each other." ngingitian ko sana siya kaya nga lang ang sama ng tingin niya sa akin.

Kahapon kasi nung tumawag siya nagpalusot ako na may inuutos si Tita kaya hindi kami nagkausap. At nung tumawag siya ng tumawag hindi ko sinagot kahit isa. Nakakatuwa sana kasi nangungulit siya kaya nga lang ako ung may kasalanan. Kaya kapag nagkita kami ni Nikolai malalagot siya sa akin. Hindi ko pa rin maisip kung anong dahilan at sinabi niya. Tama siya walang ibang magsasabi kundi kaming dalawa lang dahil si Sir Kevin lang ang nakakaalam kung anong meron sa amin. Pero iba ang kutob ko sa kanya, hindi ko alam kung may idea siya samin ni Seb o nang t-trip lang siya.

"Ang tagal mo namang inutusan buong magdamag." for sure galit na siya. Sarcastic na ang sagot e.

"Sorry na nga. Kaya lang naman kami magkasama kahapon kasi nakita niya ako tapos nilibre na niya ako. Sabi ko nga huwag na kasi mapilit siya. Pasasalamat daw niya dun sa nangyari nung nakaraan. Kaya ayun. Pero promise hindi na talaga ako makikipagusap dun. Huwag ka nang magalit, okay?" Medyo hiningal pa ako. Binilisan ko kasi talaga ang pagsasalita para hindi siya makasingit.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon