Chapter 19"Two weeks ka pa lang dito, in fairness kasundo mo na agad si madam." one of my colleagues is talking to me. The Madam that she mentioned is our boss. Okay naman ung trabaho madali akong naka-cope up.
"Lahat naman ata naging ka-close agad ni madam. Ikaw ba Joyce nahirapan ka?" Mabait talaga si madam kahit kanino. Kaya hindi na nakakapagtaka na natanggap ako kaagad at nakasundo ko agad siya.
"Sabagay lahat nga siguro. Pero alam mo sa lahat rin na nandito tinarayan 'yang ni Maureen." hininaan niya ung boses niya nung binanggit niya ang pangalan nung anak ni Madam.Kung anong bait nung nanay siya namang sungit nung anak. Napakamatapobre pa. Bumibisita siya sa office minsan para daw i-check kung matino ang mga employee ng parents niya, nung minsan na bumisita siya nahuli niya akong nakatingin, tinarayan agad ako kesa daw titigan ko ang ganda niya magtrabaho na lang ako. Kung pwede ko lang sabihin na ang kapal ng mukha niya nagawa ko na. Pero ayokong mawalan ng trabaho. Ang sama ng ugali napatingin lang naman siya, first time ko siyang makita sa office. As if naman na tinititigan ko siya at gusto ko siyang titigan.
"Uy girl wala tayong trabaho bukas sama ka sa amin ngayon." niyaya niya ako sa gala nila ngayon. Mababait silang lahat sa akin. Mabilis lang din ako nakapag-adjust sa bago kong working place. Mas nakakapagtrabaho pa ako nang mas maayos compared nung andoon pa ako. Wala akong ibang iniisip kundi matapos lang ang trabaho.
"Nako hindi na. May plano rin kasi ako." pagpapalusot ko. I don't really want to go. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, mamaya magkayayaan pa sila sa inuman ayoko na pass na ako. Ayoko nang maulit pa ang kalokohan ko na yun. Tama na ang kahihiyan. Iwas muna rin ako sa mga gastos. Buti may natira pa ako sa bangko kahit papaano.
"Okay sige next time na lang." tumango na lang ako sa kanya. Tinantanan na rin niya ako finally. Kanina pa siya nangungulit pagyayakag sa akin. Sabado ngayon kaya okay na okay na magliwaliw sila dahil walang pasok sa trabaho bukas.
"O siya paano alis na kami ha?" Nginitian ko lang sila at kumaway. Nagliligpit pa ako ng mga gamit kaya hindi na ako sumabay pag-alis.
I always make sure that all my things are in bag already. I don't want to leave any of my things here. Ayoko nang bumalik panuli kapag may naiiwan ako. Nakaka-trauma na. Baka kung anonpa ang madatnan ko dito.
I'm on my way out of the office when my phone rings, and his name appears on the screen of my phone. I hesitated first to answer it. I just ignore it but he didn't stop.
"Hello? What do you need?" Iritable kong sagot sa kanya. Honestly I'm still bitter for what happened. Pero pinipilit ko ang sarili kong isipin na panaginip na lang yun. Na hindi tala yun nangyari. For the past two weeks ngayon lang siya nagparamdam.
"Let's meet I want to talk to you." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ano pa kayang gusto niya?
"Aren't we done already? I also told you that I don't want to see you anymore!" Kinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya
"Please, I want you to know everything. Call me selfish but I want you to understand me. Gusto ko makinig mo ung explanations ko." napatawa ako nang mahina. Hindi ko siya maintindihan bakit kailangan niya pa akong makausap e wala na ring saysay pa.
"Ano pa bang gusto mong i-explain? I set you free already pero ikaw pa ang nanggugulo. Alright para manahimik ka na talaga lets meet." galit ang nararamdaman ko ngayon. Naasar ako sa kanya. Naasar rin ako sa sarili ko kasi pumayag ako sa gusto niya. Hindi ko tuloy alam kung magsisisi akong hindi ako sumama sa kanila. May pagsisinungaling pang nalalaman nagkatotoo tuloy.
___"Thank you po manong." nagbayad ako sa tricycle driver. Nandito na ako sa tapat ng condominium. Gusto daw niya ung makakapagusap daw kami nang walang naiistorbo na mga tao kaya naisipan niyang sa condo na lang niya. Gusto niya sanang sunduin ako pero tumanggi na ako. Ako na ang nag-adjust para sa kanya kaya pumayag na ako na dito kami magusap. I hope this will be last time that I will talk to him.
BINABASA MO ANG
In Between
RomansaThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...