Chapter 18Grabe ang sakit ng ulo. Ang weird pa nung panaginip ko. Nag-drama daw ako sa harapan mismo ni Seb at Nikolai. Iniimagine ko pa lang gusto ko nang itakwil ang sarili ko. Tinatamad pa akong imulat ang mga mata ko. Pero naninibago ako sa hinihigaan ko. Sa sahig lang ako humihiga ngayon dahil tinatamad pa akong magayos ng gamit. At wala rin naman akong foam tamang banig lang okay na.
Kaya kahit hirap pa akong imulat ang mata ko pinilit ko pa rin. Nasaan ba ako? Madilim dito tanging lampshade lang ang bukas. Baka nasa panaginip pa rin ako. Hindi ganto ang bahay ni Aling Tesa. Kahit bagong pintura yun, napakalayo pa rin sa itura nito. May naalala akong gantong style ng ng interior. Umupo ako para mailibot ang tingin ko. Napahawak pa ako sa ulo dahil sa pagkahilo. Ang sakit-sakit ng ulo ko nakikisabay ung tiyan ko. Ano ba kasing ginawa ko kagabi?
Pababa na ako sa kama nang may naapakan ako sa baba mabuti hindi ko naituon ang paa ko. Pinagmasdan ko ng maigi kung ano ba yun. Napatakip ako sa bibig ng maaninag ko, hindi ano kun'di sino. Muntikan na akong mapasigaw. Si Nikolai ang nakita ko na nakahiga sa sahig sa left side ng kama. Ibig sabihin ba nito hindi panaginip ung kagabi. Kaya dun na lang ako sa right side dadaan kaya nga lang may nakita ulit akong nakakumot. Napahawak ako ngayon sa dibdib. Grabe ung kaba ko. Mas kita ko siya compared kay Nikolai dahil andito ung nightstand na may lampshade.
Nakita ko rito si Seb na mahimbibg na natutulog. Kung icocompare silang dalawa mas mukhang pagod si Nikolai. Kinuha ko ang bag ko sa nightstand at dahan-dahang lumayo sa kanila. Para akong pusa, walang kahit anong kaluskos para hindi sila magising. Ano bang ginagawa ko dito?
Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras pero napatingin ako sa mga text messages. Akala ko kung kanino na dun lang pala sa dalawang babae na yun. Binuksan ko isa-isa ang message nila. Pagkabasa na pagkabasa ko palang sa isang text ni Geraldine ay nag-flashback sa akin ung mga nangyari kagabi. Hindi ko maalala lahat pero naaalala ko ung mga kahihiyan na ginawa ko.
Kung makakahanap lang ako ng makakapagpalimot baka bilihin ko na lahat. Nakakahiya. Naalala ko kung paano ako bumitin kagabi kay Nikolai nung nasa convenience store kami. At yung pagwawala ko dito mismo sa kwarto na 'to. Ung ka-dramahan na inaakala kong panahinip ay bangungot pala. Kailangan ko ng makaalis dito. Wala na akong pake kung iwan ko sila dito. Mas mabuti na yon.
Ayoko ko nga silang makausap pero malas talaga bakit kailangan sila pa makakita sa ganon kong sitwasyon. First time kong uminom kaya hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin. Hindi ko na nga tanda kung paano ako nakaalis sa KTV bar na yon. Sana wala akong kakaibang sinabi kagabi dahil hindi ko talaga maaalala ang mga sinabi ko. Ang tanging naalala ko lang ay ang pagsundo sa akin ni Nikolai tapos doon sa kwarto ni Seb ay umiyak ako ng umiyak. Hindi ko rin malala kung paano ako nakarating sa condo unit na 'to. Kung gumapang ba ako, tumambling? Hindi ko talaga alam.
Naghilamos lang ako at nagsuklaysuklay ng buhok. Pero bago ako umalis pumunta muli ako sa kwarto. Inayos ko ang kumot nilang pareho. Alam ko kasing nahirapan sila sa akin. Kaya hinding hindi na talaga ako uulit. Hindi na ako sasama sa dalawang mag-iinom na 'yon. Feeling ko rin naman hindi na nila ako yayain.
Pagkaayos ko ng kumot ni Seb ay hinawi ko pa ang buhok niya sa noo at sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya noo. Hindi ko na pigilang tumulo ang luha ko sakto pang tumulo rin sa kanya. Hindi ko na napunasan dahil bigla siyang gumalaw. Umalis ako agad dun at lumabas na ng kwarto.
Nang makalabas ako sa condominium ay medyo madilim pa. 5:30 pa lang kasi. Marami na ring mga early birds kaya nakasakay agad ako ng tricycle.
Maghahanap na ako ng bagong trabaho. Sana swertehin ako ngayon. At sana wala na akong mabunggo na katulad ni Sir Kevin dahil baka masakal ko siya. Ayoko nang maulit pa yon. Kumusta kaya si Sir Kevin? Naghahanap na kaya uli siya ng papalit sa akin. Huwag na ngang isipin, dapat lang na kalimutan ko na ang lahat ng bagay at tao na connected sa kanya—kanila.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...