Chapter 36
Akala ko tapos na ang kalokohan ng pinsan ko hindi pa pala.
"KAYLA ANO BA TAMA NA YAN. NAKAKAABALA KA NA!" Sigaw ko sa kanya. Pagkababa ng tawag tumawag na naman siya.
"Hello po. May nakalimutan po kasi akong sabihin." hindi niya ako pinakinggan, tuloy pa rin siya sa kalokohan niya.
"Go ahead."
"Gusto ko pong manigurado kung seryoso ka po sa maganda kong pinsan." Kinatok ko pa uli ng malakas ang pinto niya, "For sure alam niyo na po ang talambuhay niya kaya alam ko po na aware kayo sa naging trato namin sa kanya. Marami po akong kasalanan sa kanya." natigil ako sa pagkatok dahil sa sinabi niya.
Sumeryoso bigla ang pagsasalita niya, walang halong pagbibiro.
"Kaya gusto ko pong makasiguro na hindi niyo po sasaktan ang pinsan ko. Marami na pong masasakit na nangyari kay ate kaya sana po hindi ka po makadagdag." tumigil siya saglit na parang naiiyak na, "Gusto ko po g maging kayo ni ate para hindi na siya nagiisa. Kahit okay na po kami nina mama alam ko po na mas sasaya kapag may taong handang dumamay sa kanya at alam ko pong kayo yun. Masyado po kasi ang nagfocus sa buhay ni ate para masiraan siya kay mama lalo kaya minsan sinusundan ko po siya. Kaya nakikita ko po kayo dating magkasama at kitang-kita ko po kung gaano kasaya si ate kapag kasama ka. Hindi ko po alam kung anong nangyari sa inyong dalawa pero sana magbalik po kayo sa dati. Alam ko pong may something na nangyari pero huwag po kayong magalala di ko po babanggitin kay mama. Baka hindi na po talaga kayo makalapit kay ate. Traumatized na yun e." tumawa pa siya ng mahina.
"Don't worry about it. I can't promise you that your ate will not cry but I will make sure that I will be by her side always. I'm ready whatever it takes to have your ate. I can wait forever as long as for her."
"Thank you po. Sorry po sa abala. Ipagdasal niyo na lang po ako na maging okay once na lumabas po ako ng kwarto. Ituloy niyo na rin po ang trabaho niyo para mabawasan ang galit ni ate. Ayaw po kasi niya ng nakakaabala." Malalagot talaga siya sa akin pagkalabas niya ng kwarto na 'to.
"Yeah that's your ate after all. Kahit siya na ang maabala huwag lang makaabala. Thank you I will not let you down." binaba na niya ang tawag.
"Tapos na Kayla? Baka makatawag ka pa uli."
"Okay na ate nasecure ko na love life mo. Okay ba ang ginawa ko?" Proud na sabi niya.
"Sa tingin mo okay yun?" Mahinanon at buong pagtitimping tanong ko.
"Oo naman kaya huwag ka ng maginarte. Puntahan mo na kaya tapos bawiin mo lahat nung sinabi mo nung nireject mo siya."
"KAYLA MAKAKALBO TALAGA KITA. HINDI YUN OKAY! NAKAKAHIYA!" Kinatok ko uli ang pinto niya.
"Chill ka lang ate. Okay lang yun si Kuya seb naman yun kilala ka na non tsaka dapat masanay ka na kasi makakasama ka naman niya forever. Yieeee kilig naman."
"Buksan mo na 'tong pinto habang nakakapagtimpi pa ako." mahinahon kong sabi.
Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto. Nakangiti ko siyang sinalubong habang nakangiti rin siya sa akin. Tatakbo siya papalabas papunta kay Tita pero nahablot ko agad ang buhok niya kaya napatigil siya.
"Waaaa! Ate masakit." Sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya. "Kapag may nangyari sa leeg ko yare ka sa akin." Kakagaking nga kang pala ng leeg niya.
"Masakit? Sana inisip mo muna yan bago mo yun ginawa." dahil mabait ako binitawan ko ang buhok niya. Pinaghahampas ko na lang siya sa braso.
"Aray naman kasi ate. Ginawa ko lang yon para sa'yo kaya dapat mag-thank you ka sa akin hindi yung ganto." Pinagtasan niya ako ng boses. Ibang klase talaga ang pagkamaldita niya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...