Chapter 2
Kapag nakita ko talaga si Mr. Diaz mamaya sasakalin ko talaga siya.
"P-personal assistant?"
"Oo medyo sensitive kasi talaga si Sir sa mga tao kaya kailangan niya nung tao na mauutusan niya personally. Kapag ako kasi hindi ko na kaya ang trabaho. Minsan kasi may mga bagay na kailangan niyang gawn outsde the company. Kaya kong gawin un lahat kaya nga lang lately parami nang parami ang trabaho." Mahabang paliwanag niya sa akin.
"Nahiya ka pa talagang sabihin na alalay. Tss alalay lang naman pala ang kailangan may pa assistant-assistant secretay ka pa. Pero sabagay parang ganon na din ung mga bagay na hindi mo magawa ako nga gagawa ganon? Pero mas pwede rin na utos-utusan more likely yaya?" Yaya lang pala ang kakabagsakan ko. Pero ayos na rin basta sweldo ang paguusapan.
"O-oo isipin mo na lang bodyguard ka niya kasi lagi kang dapat nakasunod sa kanya." kanina assistant secretary ngayon bodyguard kahit ano pang paganda niya sa tawag simple lang talaga yan magiging YAYA ako ng boss niya.
"Ayun ha bukas 8:00am sa S. Land aasahan kita ha? Bring your resume." at dali-dali na siyang umalis.
"Teka lang marami pa 'kong tanong. Mr. Diaz!" naka-unprofessional naman niya. Tama bang takbuhan niya ang kausap niya? Takot na takot nab aka magback-out ako. Try ko kayang huwag pumunta bukas. Makapunta na pala baka makarma pa ako, nangako na ako sa kanya.
Andito na ako ngayon sa labas ng building. Grabe napakataas naman nito. Ang sakit sa leeg habang tinatanaw ko ang pinaka dulong palapag ng building na ito. Ano pa nga ba ang aasahan sa isang realtor.
"Good morning, Ma'am." masiglang bati sakin ni manong guard habang pinagbubukasan niya ako ng glass door. Bongga talaga. Dapat ung automatic na para mas sosyalin.
"Good morning po manong, thank you." may nakapagturo kasi sakin na mag greet back kahit hindi mo kilala at mag thank you kahit sa simpleng bagay na ginawa ng isang tao.
"Good morning Miss may I help you?" tanong nung babae sa information desk.
"I have an appointment with Mr. Diaz." napagenglish tuloy ako ng wala sa oras. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Kahit ang lamig dito sa loob pinagpapawisan pa rin ang kamay ko.
"Ah you're the girl that he mentioned yesterday." Tapos inexplain na niya kung saan ko matatagpuan si Mr. Diaz and nagpasalamat na ako sa kanya at umalis.
Kinakabahan talaga ako. Sa bawat pagbabago ng number sa the elavator mas kinakabahan ako nang kinakabahan. Hay tingnan mo nga naman kahit anong kapal ng mukha ko tinatablan pa rin pala ako ng kaba.
Andito na ko sa floor kung saan ko matatagpuan ang lalaking yun. Asan kaya siya? Lalo lang akong kinabahan.
"Um excuse me Miss, good morning. Nasaan po dito ung office ni Mr. Diaz?" May natagpuan akong babae dito parang katulad siya nung nasa baba ang kinaibahan nga lang mas maliit ung space kung nasan siya.
Bakit kasi hindi man lang siya nag-iwan ng contact number. Nahihirapan tuloy akong hanapin siya. Kanina pa ko nagtatanong. Nagtanong rin ako kanina sa guard at sa mga nakasabay ko sa elevator. Ugali ko talagang magtanong mas lalo na kung kinakabahan ako o kaya naman hindi ako sure sa ginagawa ko.
"That way po ma'am, deretso lang po diyan." ang babait pala ng tao rito. Kung totoo man ung chismis ung boss lang talaga nila ang hindi mabait o kaya ung mga natanggal talaga ang may kasalan at nagkalat ng maling chismis. Sabagay kaya nga chismis, hindi sure kung totoo o hindi. Minsan dagdag bawas rin.
"Okay thank you." nagsimula na akong maglakad para maumpisahan na agad ang interview. Para kung hindi man matanggap makahanap na agad.
Pero infairness ang ganda nung building. Sa mga nakita ko kasing offices or rooms na nadaan ko kanina at isama na ang floor na to, puro glass ang mga wall. Kaya natanaw ko agad si Mr. Diaz. Busy'ing busy siya sa kung ano man ang ginagawa niya at mukhang stressed na stressed na rin, kawawa naman. Kumatok muna ako ng tatlong beses at inintay na mapansin niya ako rito sa labas.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...