Chapter 24
Nakakagulat ang kinikilos ni Tita. Bigla na lang niya akong niyakap at umiyak pa sa balikat ko. Nakaramdam ako ng awa. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa pagkakayakap niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mukha. Kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata niya. Magkakahalong lungkot, pagod at tuwa. Pero imposibleng ako ang dahilan kung bakit masaya siya.
"Sige po Tita. Pasensya na po sa abala. Aalis na po ako." hindi naman nila ako kailangan dito. Mas mabuting umalis na lang ako. Masaya akong makita uli siya. Sana maging okay na si Kayla.
"Bakit hindi ka muna pumasok at kamustahin si Kayla?" Mahinahon na alok niya na siyang mas ikinagulat ko.
"P-po?" Nagtatakang tanong ko.
"Halika." hinatak niya ako papasok sa kwarto. Hinayaan ko na lang baka masermunan pa ako.
Pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang kalagayn ni Kayla. May neck brace siya at nakabenda ang kaliwang binti hanggang paa. Lumapot ako sa kanya, mas malinaw kong nakita ang mga sugat na nakuha niya. Puro galos galos siya. Hindi rin nakaligtas sa sugat ang mukha niya. Siguradong magwawala siya kapag nakita niya 'to.
"Ano po bang nangyari?" Umupo ako sa monoblock chair na nasa gilid ng kama. Nasa tapat ko si tita sa kabilang side.
"Nakamotor daw kasama ng mga kabarkada. Mabilis ang pagpapatakbo, mga mayayabang e ayun sumemplang daw." Umupo siya sa gilid ng kama at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ni Kayla. "Hindi ko pa 'to nakakausap. Nagising na siya kanina pero kailangan pa niyang magpahinga. Yung kasama naman niya ay nagpapahinga pa rin. Hindi ko pa rin nakakasap ung ibang kasama nila sa pagmomotor. Akala ko talaga mawawala na siya sa akin. Sobrang takot ang naramdaman ko nung may tumawag sa akin. Mabuti na lang kahit masungit ako ay tinulungan ako ni Flor." ang sungit kasi lagi pati sa kapitbahay. Minsan na niyang nasungitan si Ate Flor, swerte siya hindi nagtatanim ng sama ng loob ung tao.
"Huwag na po kayong magalala magiging okay rin po siya. Pero anong oras po ba nangyari di ba po ay may pasok siya ngayon" hindi ako sanay na ganto ang paguusap namin. Kaya hindi ko alam ang sasabihin para gumaan ang kalooban niya.
"Isa yan sa ipinagtataka ko. Bandang alas tres sila naaksidente pero alas kwatro y media pa ang awas niya." anong kayang kalokohan ng mabait kong pinsan. Napahamak pa tuloy siya. Sama kasi ng sama dun sa mga barkada niya na kung titingnan pa lang masasabi nang hindi sila matino.
"Paano mo ba nalaman na naaksidente ang pinsan mo?" Dahil chismosa po ako. Gusto ko sanang sabihin kaya nga lang baka hindi bumenta joke ko sa kanya. Baka imbis na matuwa mabarino pa siya sa akin.
"Kay Ate Flor po." siguro itatanong niya kung paano ko nakita si Ate Flor. Malalaman na niya kung saan ako lumipat.
"Ganon ba? Tamang-tama siya ang tumulong sa akin kanina. Mabuti nakita ka niya." wala siyang planong itanong kung paano kami nagkita. Feeling ko alam na niya kung saan ako tumitira pero imposible wala naman siyang pake sa akin.
"Bakit ganan ang itsura mo? Umiyak ka ba? Natutulog ka pa ba?" Hindi ako makaimik dahil sa sunod-sunod na tanong niya. Naturukan ba siya ng kung anong gamot kaya ganan ang mga tanong niya sa akin?
"W-wala lang po. Kakagaling ko lang po kasi ng trabaho. Marami pong ginagawa kaya ganto po itsura ko." wala akong planong ikwento sa kanya ang nangyari akin.
"Sabagay lagi namang ganan ang itsura mo." hindi pa rin talaga ako nakaligtas sa lait niya.
"Umuwi na po kayo ako na lang ang magbabantay sa kanya pero uuwi po ako nang maaga may trabaho pa po ako bukas." nakatingin lang ako sa malayo habang sinasabi ko yun sa kanya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...