Chapter 40

82 3 0
                                    

Chapter 40

"Thank you po. Ingat po kayo sa pag-uwi." Nagpasalamat ako kay Mrs. de Ayala at sa driver niya. Tinanawan ko na lang silang umalis.

She insisted na ihahatid na daw niya ako kasi gabi na. tumagal din ang paguusap namin. Masyadong madaldal ang mommy nila parang si Dylan. Hindi maubusan ng topic. Nakakapagod, gustong-guto ko nang makapagpahinga. Ayoko ko munang isipin ang mga napag-usapan naming pero hindi ko naman mapigilan. Lalo lang akong nas-stress. Hindi naman siguro required na sobrang problemahin nag love life. Kaya dapat chill lang muna. Darating din yung time para sa mga bagay na 'yon.

Pero paano kung makahanap nga siya ng iba? Nainip na siya kakaasa sa akin. Okay lang 'yon. Edi maghanap siya. Okay lang naman.

Arf arf arf

"Aaaah! Shoo-shoo epal kang aso ka aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!" Bugaw ko sa asong tumahol bigla. Pero lalo lang siyang nagalit at parang susugurin pa ako. Dali-dali akong pumasok sa gate, parang gusto pa niya akong kagatin. Hindi naman ata taga rito sa may amin kung makatahol parang nagnanakaw na ko sa bahay nila. Nakikiraan lang naman siya. Nakakatakot baka kagatin pa ako. Ayoko kong ngang turukan tapos gastos din 'yun. Nasira tuloy ang pagmumuni ko.

Napatingin ako sa bahay patay na ang mga ilaw sa loob ang bukas na lang ay ung nasa labas sa may terrace. Mabuti naman at natulog na si Tita at hindi na ako hinintay. Kinapa ko ang susi sa bag ko at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napasandal na lang ako pagkapasok ko. Nakakapagod, antok na antok na ako. Andaming baon na kwent ni Mrs de Ayala, parang ngayon lang nagkaroon nang kausap.

"Andiyan ka na pala. Ano pang ginagawa mo diyan sa may pinto?" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat kay Tita. Akala ko tulog na siya andito lang pala siya sa may sala humiga. Hindi pa nga ako nakakarecover sa aso na 'yun. Nagulat na naman ako. Konting-konti na lang talaga aatakihin na ako sa puso.

"Wala naman po. Nagulat po kasi ako doon sa aso sa labas kaya medyo nagpapakalma lang po. Bakit dito po kayo humiga 'di ba sabi ko po sa inyo huwag niyo na akong intayin." Sinundan ko siya papunta sa kusina binuksan niya rin ang ilaw at inabutan ako ng tubig.

Umupo siya kaya nakiupo na rin ako. May gusto atang sabihin. Titiisin ko na lang ang antok ko. Naakahiya naman kung hindi ko papakinggan ang sasabihin niya e inintay niya pa talaga ko kahit gabing-gabi na.

"Saan ka ba galling?" nakakunoot ang noo niya nang tanungin ako. Para akong ini-interrogate.

"M-may kinausap lang po ako." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.nagkukunwari lang ako na umiinom ng tubig.

"Tungkol ba sa nanliligaw sa'yo?" nasamid ako sa tanong niya, "Huwag mo nang itago wala ka namang iba pang dapat pagkaabalahan kundi ayun." Napataas pa ang isang kilay niya habang pinagmamasdan ako.

"G-grabe ka naman Tita hindi ko nga yun iniintindi e. Tsaka may iba pa rin akong iniiintindi grabe ka po sa akin. Gabi na ayun pa ang pagkakaabalahan ko." Sagot ko sa kanya pero hindi ako tumitingin sa mga mata niya. Hindi naman ako chill-chill lang para ayun lang ang intindihin.

"Kasi iniiwasan mo, bakit hindi mo sundin kung ano ba talaga ang gusto mo. Hindi mo kailangang pigilan 'yang nararamdaman mo. Kailangan mo ring isipin ang sarili mo bago ang ibang tao." Hindi ko kinibo si Tita. Kunwari pa rin kong umiinom kahit hindi nababawasan ang laman ng baso. "Kahit anong iwas mo sa mga tanong naming ni Kayla alam naming na dahil sa manlligaw mo kaya kaya umiiyak nung isang araw."

"Tapos kapag huli na ang lahat magsisisi ka. Ano naman kung subukan mo? Kapag hinayaan mo masasaktan ka kapag nakahanap siya ng iba. Kung susubukan mo masasaktan ka pa rin kung hindi talaga para kayo sa isa't-isa pero pwedeng hindi rin kung kayo talaga ang para sa isa't-isa." Nagugulat ako sa mga sinasabi ni Tita. Kakanood niya siguro ng mga palabas sa T.V.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon