Chapter 11

171 15 2
                                    

Chapter 11

Ganon ba talaga kapag mahalaga sa'yo ung tao kahit anong bigat ng kasalanan mapapatawad mo. Lagi na lang ganon ang nagyayari. Kahit kay Tita at Kayla hindi ko magawang magkimkim nang galit. Nasanay na siguro ako na hayaan na lang na ganon ang trato nila sa akin. Sanay na ako na ako na lang maga-adjust para sa kanila. Katulad nga ng nangyari kanina.

Lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya. Hindi ko pa rin siya makita nang maayos kaya mas lumapit pa ako sa kanya. Malay ko ba kung napaano na siya. Baka may umatake na sa kanya habang wala ako.

Napasigaw na lang ako sa gulat dahil sa nakita ko.

"A-anong..." tingnan ko lang siya habang nahihirapan siya tumayo. Nakabayukyok kasi siya doon sa upuan ung para bang papunta na sa paghiga ung upo niya.

"Please help me." nataranta ako nung humingi na siya ng tulong. Ang tangkad kasi niya tapos ganon ang pwesto niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Nagpapakahirap ka dyan." finally nakaalis na rin siya sa upuan at nakatayo na rin.

"I tried to hide here. Baka kasi kapag nakita mo ako kaagad hindi ka tumuloy sa pagpasok." nahihiya niyang paliwanag.

"Why do you think I will do that? You're my boss I shouldn't do that to you." ang galing, ang tapang ko english pa. Mamaya naman iiyak-iyak na.

"Don't say that, you're still my girl, right? And I'm here to apologize." Nahihiya siyang tumingin sa akin. Pero nanatili pa ring blangko ang mukha ko. For sure ang bilis lang niyang mapapalambot ang puso ko at mapapawala ang galit ko sa kanya.

"Zyrine, I know I'm such a jerk earlier, everytime to you. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yung mga bagay na yon kanina and I really regret it." Humakbang siya papalapit sa akin,"I'm sorry, I know you've heard it many times..." then he held my hands on his face.

"Please forgive me. I'll explain to you what happened yesterday. Sorry talaga kasi nakalimutan ko na may usapan tayo. Narealize ko na rin na ako talaga ang may kasalan. I shouldn't take the blame on you. I should be the responsible to you. Tama ka I shouldn't mix up my work to my personal life. But it doesn't mean that when we're on our work I should be focus on my work but instead I should know how to balance it, to manage it." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hinayaan ko na lang uli na tumulo ang luha ko. Akala ko wala na pero hindi ko pa rin mapigilan ang mapaiyak.

Naiiyak ako kasi sa simpleng paliwanag niya ay unti-unting nawawala ang galit at inis ko sa kanya. Para lang din noon kapag may mga kasalan sa akin ung mga tao sa paligid ko mabilis ko lang silang mapatawad kaya nga lang dahil doon nauulit at nauulit lang ang ginagawa nila. Kaya sana hindi siya katulad nila.

"S-sige na let's just talk later. Alam kong marami ka pang trabaho at marami pa rin akong gagawin." inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at iniwan siya sa may table, pumunta na ako sa desk ko para magumpisa na ng trabaho.

"Alright then, I will leave you here. I'll wait for you in my office." saktong lumabas siya ng pintuan ay nagsipagbagsakan na naman ang mga luha ko.

Naaasar ako sa sarili ko dahil ang bilis kong magpatawad. Para kasi sa akin nakakasawa at hindi maganda ung hindi kayo magpapasinan, hindi mag-iimiikan at higit sa lahat ung mag-gagantihan. Nasa sa kanila na yun kung wala silang konsensya. Kung malakas ang loob nila para ulitin pa ang kasalanan.

Ambilis talaga ng araw hapon na naman. Nakaalis na si Sir Kevin. Inaayos ko na ang gamit ko. Iniisip ko pa rin kung dapat ba akong pumunta sa office niya huwag na. Syempre dapat kahit papaano may pride pa rin ako. Ako na ang ang talo tas ako pa rin ang pupunta sa kanya. Huwag na nga lang bahala siya kunwari nakalimutan ko rin. Pero kakasabi ko lang na ayoko gumanti. Hays ano ba yan.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon