Chapter 37
"Aaaah!" Napatakip ako ng tenga dahil sa tili ni Joyce.
"Huy tumigil ka nga porket wala pa si Miss Maureen irit ka na nang irit diyan" pigil ko sa kanya. Maguumpisa na naman siya nang ingay niya.
"Paano ba naman kasi kinikilig ako" nagpapadyak pa siya, "Nakasalubong ko ung crush ko tapos nginitian niya ako at tinanguan yieeeee!" Pinaghahampas pa niya talaga ako. Pag ako gumanti sa hampas niya iyak siya.
"Kinikilig ka lang pala nandadamay ka pa. Manahimik ka nga nakakaistorbo ka na sa amin. Huwag mo kong hahampasin iinom akong tubig ibuga ko 'to sa'yo e." banta ko sa habang kinikilig pa rin siya.
"Nginitian lang ako pero kilig na kilig na ako. Paano pa kaya kung mag-holding hands o mag-kiss kami? Tingin mo mas nakakakilig 'yon" nasamid ako bigla sa tanong niya.
Naalala ko bigla ung nangyari nung isang gabi. Feeling ko namula bigla ang mga pisngi ko hindi dahil sa pagkakasamid oo pero dahil sa naalala ko.
"Huy okay ka lang ba?" Alalang tanong niya.
"O-okay lang ako. Bakit naman kasi kiss agad nasa isip ko? Hindi pa nga kayo. Magtrabaho ka na lang please lang" sabi ko habang inuubo-ubo pa.
"Kahit nga hindi magjowa ngayon nagk-kiss na," naubo lang lalo ako sa sinabi niya. "Okay ka lang ba talaga?" Tumango ako sa kanya. "Dahan-dahan kasi sa pag-inom hindi naman aagawan."
Ilang araw na ang lumipas pero fresh na fresh pa rin sa utak ko kung paano niya ako bigla hina-"Waaah!" Napasigaw ako bigla. Lahat sila ay nawiwirduhang tumingin sa akin.
Humingi ako ng paumanhin at umiwas nang tingin. Nakakahiya. Dinadamay pa kasi ako ni Joyce sa kalokohan niya.
Ayun din ang huling araw na nagkita kami ni Seb at Nikolai. Kahit isa sa kanila hindi sumulpot sa tabi ko. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Lalo na kay Nikolai. Siguro naman hindi siya devastated ang oa naman niya pag-nagkataon. Hindi niya kailangang sayangin ang energy niya nang dahil lang sa akin. For sure makakahanap rin siya ng katapat niya.
"Huy! Andyan na si señorita." Pasimpleng bulong sa akin ni Joyce. "Tatawagin ka na naman 'yan sa office" tumawa pa talaga siya porket ako ang laging napagiinitan ngayon.
"Miss Jimenez to my office now!" Nagkatotoo agad ang sinabi ni Joyce. Malas talaga.
Ano na naman kaya ang ipapagawa niya sa akin. Hindi siya nauubusan ng idea, basta may maipagawa siya sa akin na kailangan talaga ng footwork. Samantalang dapat nakaupo lang ako sa cubicle ko at doon nagtatrabaho.
"Pumunta ka uli sa warehouse. Ask Mr. Ricky for the list of inventories that still on hand that was purchased last year." Tumango ako sa kanya bago lumabas ng office.
Pwede naman niyang tawagan si Sir Ricky sa telepono, ang arte-arte talaga. Pero okay na rin. Sa tuwing inuutusan niya ako sa mga gantong bagay nababawasan ang paper works ko ipinapasa na sa iba.
"Sa warehouse ka na naman?" Tanong ng isa sa katrabaho ko.
"Oo e" sagot ko at tuluyan ng pumasok sa pinto na connected sa warehouse.
Naabutan ko sina Sir Ricky at mga helper niya na iniinspect ang mga furnitures.
"Sir! Good morning po." Bati ko sa kanya.
"Ikaw na naman? Anong kailangan mo?" Natatawang tanong niya sa akin.
"Ung list daw po ng inventories na on hand pa rin na binili pa last year"
"Pwede namang itawag sa akin. Para itong mga ito na ang magdala pinapunta ka pa talaga." Nginitian ko na lang siya. Hanggat maaari ayokong ibash si Miss Maureen dito baka may magsumbong pa. hindi ko alam kung uso ba dito ung mga sipsip na empleyado kahit nakakaasar naman talaga ang boss. Bakit ba laging siya ang nandito nasaankaya sina Madam?
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...