Epilogue

201 2 0
                                    

Epilogue

"Ma'am napabisita ka babalik ka na ba?" bati sa akin ni manong guard. Mabuti kilala pa niya ako. Pero wala akong time makipagchikahan sa kanya nagmamadali ako.

Nagmamadali akong papasok para hindi na rin ako mapansin nung dalawa pero malas talaga ako at hindi na 'yon mawawala.

"Uy Janica?" gulat na tanong ni Faye, "Anong ginagawa mo dito? Aapply ka na uli?" pangungulit naman sa akin ni Geraldine. Please lang huwag kayong makipagchikahan sa akin ngayon.

"Bakit ganan suot mo? Okay ka lang ba" tanong ni Faye. Puno nang pagtataka ang mga mukha nila. Tiningnan pa nila ako mula ulo hanggang paa.

"Ah hindi e pero nasaan si Sir?" hindi ko na lang pinansin. Kailangan ko munang gawin kung ano ba ang ipinunta ko dito.

"San pa ba edi sa office niya. Hindi na nga rin siya kumakain sa cafeteria, simula ata nung umalis ka." Nagiisip na tugon niya sa akin.

"Siguro may something sa inyo 'no? kaya noong umalis ka nag-iba rin sobra ang ugali ni Sir." Sinimangutan ko lang silang dalawa. Mga ichusera talaga, ang hilig sa chismis.

"Sabihin niyo na lang kung nasaan ang Sir niyo." Hindi ko na lang pinansin nag mga sinasabi nila.

"Nasa office nga niya. May kausap nga pa lang sobrang gandang babae." Napayuko ako at napaiwas nang tingin sa kanila. Para pa silang nangaasar. "Baka siya na ang magpabawas uli ng sungit ni Sir." Kinikilig-kilig pa sila. Huli na ba ako?

"Ano naman kung sobrang ganda?!" tumakbo ako papunta sa elevator. Pero sosyalin na pala dito. Bago ka makapasok kailangan mo muna ng ID. Ung itatap ung ID para bumaba ung harang at makapasok ka. Kahit anong harang pa yan walang makakapigil sa akin.

"Huy Janica! Anong sinasabi mo? Kilala mo ba yung kausap ni Sir?!" hindi ko na siya pinansin. Nagfocus ako sa paggapang para makalusot sa daan na 'to.

"Magpapakita ka sa kanya ganan itsura mo?!" wala akong pake kung ito ang itsura ko ang gusto ko ay makapunta agad sa kanya. Bakit ba kasi ngayon ko lang 'to na isip? Kung kailang huli na ang lahat. Bakit hindi ko pa sinabi sa kanya nung isang araw yung nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ang tanga-tanga ko na naman? Bakit ang hilig ko sa delay.

Unting-unting pumatak ang luha ko. Agad kong pinupunasan para hindi makasagabal sa paningin ko. Bago pa ako pigilan ng mga tao dito ay dali-dali na akong pumunta sa elevator. Kaya nga lang mukhang matatagalan pa bago 'to magbukas. Kaya no choice ako kung hindi ang maghagdanan. Wala na akong pakielam kung mataas ang aakyatin ko. Sisiguraduhin kong makakapunta ako sa office niya.

"Ma'am huminto kayo! Kung ayaw niyong ireport ka namin sa pulis!" kinig ko pang sigaw ng mga security na humahabol sa akin.

"Iilang floor pa ba pagod na ako!" sigaw ko habang tumatakbo. Feeling ko magkakalas-kalas na ang mga buto ko at lalabas na ang lungs ko. Mahina talaga ang katawan ko sa mga gantong gawain. Hindi nga ako nageexercise e.

Nasa floor na kung nasaan ang office niya. Malapit na ako sa kanya.

"Bitawan niyo ko!" sigaw ko nang bigla akong hawakan sa dalawa kong balikat. Nahuli pa ko nang mga makukupad na security na 'to, "Please lang bitawan niyo ako. May kailangan akong gawin dito!" pilit akong kumakawala sa kanila pero malalakas sila. Hindi ko kayang makatakas sa kanila. Kinaladkad nila ako papuntang elevator.

"Miss Jimenez? Anong ginagawa mo dito?" nakasalubong namin si Sir Kevin na may dala-dalang papeles. Yes! Ang swerte ko dumating na. kung hindi rin dahil sa kanya siguradong wala ako dito.

"Sir, trespassing po ang babaeng 'to." Sabi ng isang may hawak sa kanila.

"Please Sir Kevin tulungan mo ako." Pagmamakaawako sa kanya. Please lang alang-alang sa kaligayahan ko. Just this time I want to have my happiness. Ung pinagkakait ko sa sarili ko nang matagal. Sana hindi pa huli ang lahat.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon