Chapter 38

54 2 2
                                    

Chapter 38

Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Saan ko ba kasi nakuha 'yung lakas ng loob na sabihin 'yon kahapon? Hindi man lang din kasi ako pinigilan. Pero pinigilan nga pala ako ni Dylan pero hindi lang ako nagpapigil. Matapos ung mahaba kong talumpati, tumakbo na ako palabas. Iniwan ko na rin si Seb. Hindi nila ako nahabol dahil mga tulala pa sila. Sino bang hindi matutula kung may outsider na biglang nagdrama at nagsermon sa bahay nila. Saktong bukas ang gate nila, nagtatapon ng basura yung isa sa katulong nila. Pero grabe rin yung daddy nila pinagkamalan pa ako na bayaran. Kahit wala akong pera hindi ko naman gagawin 'yon. Kahit gipit na gipit ako hindi iyon sumagi sa isip ko.

"Hoy ate agang-aga para kang ewan diyan. Sabagay araw-araw ka namang mukhang ewan." Kasabay ko silang mag-almusal. Ayaw na lang niya kumain nang tahimik kung ano-ano pa ang napupuna.

"Ikaw abnormal since birth." Pangaasar ko rin sa kanya.

"Dumating ka kagabi at nagdere-deretso ka na sa kwarto mo. Hindi ka na nakapaghapunan kaya kumain ka ng marami." Nilagyan ni Tita ng maraming sinangag ang plato ko. Para akong kakatayin sa dami.

"Tuyo para sa'yo ate, at hotdog at itlog." Inisa-isa pa niya talaga sa akin ung mga ulam. kadalasan ganito ang pinapaalmusal ni Tita. Mahilig talaga siya sa tuyo, masarap naman e.

"Huwag mong kakalimutang mag-toothbrush ha?" pangaasar pa niya.

"Baka ikaw ang makalimot, ang takaw mo pa naman sa tuyo. Ayan kumain ka pa." sinubuan ko pa siya para tumigil na siya sa pag-imik.

"Kumain ka na lang please nababarino ako." As usual inirapan niya lang ako.

"Oo nga pala Janica may dumating kahapon na sofa, sa'yo daw iyon. Tinatanong ko kung bayad na ba ang sabi lang ay pinapadeliver lang. Kanino naman galing iyon? Isa sa manliligaw mo? Ayos yun ha imbes na bulaklak o chocolate sofa talaga ang binigay. Kapakipakinabang nga naman." Muntikan na akong masamid dahil kay Tita. Naalala ko ung sinabi ni Joyce tungkol kay Miss Maureen. Hindi ko pa rin ma-absorb. At napakapraktikal niyang mag-isip. "Ganan ang hanapin mong manliligaw Kayla. Hindi 'yung aksidente ang ibibigay sa'yo." Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Kayla. Napatungo siya at parang nawalan ng ganang kumain.

"Wala naman po akong manliligaw, tsaka galing po yan sa boss ko hindi na po kasi nabenta nung isang-isang buwan pa ata po yan o noong isang taon pa. Sira din naman po ata ung foam kaya ibinigay na." pagpapaliwanag ko. Para hindi na niya kulitin si Kayla kahit naman maldita siya, halatang nagsisisi siya sa nangyari.

"Pero ang ganda pa. Palitan mo na lang ng kung gusto mo. Tapos iwan mong bukas kwarto mo ipapasok ko doon kasya naman ata." Iniiwan kong sarado ang kwarto ko pero hindi dahil wala akong tiwala kay Tita. Ayoko lang maabutan niyang makalat. Paniguradong lilinisin niya 'yon at masesermunan pa ako.

"Hindi na po diyan niyo na po sa labas, palitan niyo na po ung upuang kawayan sa terrace kay Aling Tess pa po ung pinaglumaan. Masasabit na po ang shorts kapag umupo doon. May mga nakausili na pong mga pako." Para maganda ung uupuan kapag may bisita siya. Wala naman bibisita sa akin e.

Maalala ko nga pala nalilimutan ko nang maghulog sa kanya. Sana hindi pa siya galit. Mabait naman siya pero nakakatakot pa rin at nakakahiya. Buti nga pinagbibigyan niya ako na late magbayad at ang tagal bago ko ma-fully paid kung sa iba lump sum ang gusto hindi installment. Mabuti nakakaluwag-luwag na talaga si Aling Tess. Balewala na sa kanya kung ma-late ako sa paghuhulog. Gusto ko ring maipon para matubos na nina Tita ung bahay at lupa nila. Alam kong mahalaga 'yon para sa kanya.

"Huwag ka na munang magalala sa hulog mo ngayon kay Na Tess hinulugan ko na muna. Ang tagal mo pa pala 'tong babayaran." Nabasa ata niya ang nasa isip ko may nasabi na agad siya.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon