Chapter 26
Nakasimangot akong sumunod sa kanilang dalawa. Nagmukha tuloy akong third wheel. Enjoy na enjoy silang magusap.
"Ano bang pangalan mo iho?" Masiglang tanong ni Tita. Kanina pa silang magkausap pero ngayon kang niya naisipang tanungin ang pangalan. Ibang klase talaga ang tiyahin ko.
"Sebastian po, Sebastian de Ayala." lalong lumapad ang ngiti ni Tita nang marinig niya ang apelyido ni Seb. Kilala ang pamilya nila dahil sa mga business nila. Lalong hahanga si Tita kapag nalaman niya na si Seb mismo ang nagtaguyod ng company niya.
"Ay nakakahiya naman isang de Ayala ka pala. Sigurado ka bang may gusto ka sa pamangkin ko?" Nilingon pa niya ako para irapan. Paglingon niya uli kay Seb ay inirapan ko rin siya.
"Yes po, I'm hundred percent sure about my feelings for her." napatigil ako saglit sa paglakad at napatingin lang sa kanya.
Bakit niya ba yun sinasabi kay Tita? Hindi ko nga alam kung totoo ang sinasabi niya e. Pero ung puso ko parang ewan, bumilis bigla ang tibok. Para lang doon sa sinabi niya nagwala na agad. Pero ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon kay Tita. Ibig sabihin ba totoo talaga yung sinasabi niya? Hay dapat hindi ko yun iniisip.
Masaya silang nagtatawanan pero dahil naiinis ako dali-dali akong dumaan sa ginta nila.
"Ay excuse po may trabaho pa po kasi ako ang tagal niyong maglakad." napasinghap si Tita at napatigil sa paglakad. Samantalang si Seb ay natawa lang sa inasta ko.
Inunahan ko na silang makapunta sa kwarto ni Kayla. Maya-maya kasi ay magt-time na ako sa trabaho. Baka matyempuhan na pumunta ung anak ni Madam. Nako nakakasawa na ang boses niya.
"Mama bakit ang tagal mo?" sabi ni Kayla nang nakapasok ako sa kwarto niya.
"Hindi ako ang mama mo. Papunta na rin siya dito." lumapit ako sa kanya para tulungan siyang makaupo.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi siya makatingin sa akin nang deretso. Ano naman kayang problema nito sa akin. Hindi ko naman siya inaano.
"Binibisita ka obvious naman. Ayan mga tinapay. Cake, cookies mga ganon hindi ko alam kung ano-ano ba ang mga 'yan. Kung ayaw mo edi huwag." Pagsusungit ko sa kanya. Mas komportable ako kapag ganto ang paguusap namin. Hindi katulad kagabi may pag-iyak pa sa akin.
"Ang dami mo na agad nasabi. Syempre gusto ko yan. Ilagay mo lang diyan. Kaasar 'to" ang sama ng tingin niya sa akin kaya sinamaan ko rin siya nang tingin. Kala niya magpapatalo ako sa kanya.
"Parang lang bata Ate, ginagantihan mo pa ako. Tinitingnan mo pa ako ng masama. Twenty two ka na kaya. Tapos ang taray mo pa sa akin." Pagmamaktol niya. Parang ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Never siyang nagmaktol nang ganyan sa akin. Kung tutuusin mas mataray pa siya sa akin. Ganon ba kasama ang impact sa kanya nung aksidente.
Hindi na ako umiimik pa sa kanya dahil rinig na rinig ko na ang bungisngis ni Tita. Pinagbukas pa talaga siya ng pinto.
"-maldita yon." Kinig ko ang usapan nila. Sinisiraan pa talaga niya ako.
"Kayla gising ka na pala." lumapit si Tita sa tabi ni Kayla.
Kaya nga lang itong si Kayla wala atang narinig. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Sigurado akong hindi siya sa mama niya nakatingin kun'di sa taong nasa likuran ni Tita.
"Ma sino po 'yang kasama niyo?" Mahinhin na tanong ni Kayla. Kahit nahihirapan siya dahil sa neck brace niya ay nagawa pa niyang magpabebe. Kinipit niya pa ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Ah siya si Sebastian manliligaw ata ng pinsan mo." pagpapakilala ni Tita. Kahit siya hindi sigurado kung totoo ang sinasabi ni Seb. Pero alam kong magkaiba kami ng dahilan.
BINABASA MO ANG
In Between
RomansaThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...