Chapter 14Pinihit ko na ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto pero napatigil ako ng may marinig akong naguusap sa loob.
"How long are we going to hide?" Hindi ko sila maaninag nang maayos dahil nasa madilim silang part. Maya-maya pa ay lumapit sila may desk kaya medyo naaninag ko na sila.
"I still don't know. Naghihinala na siya sa akin." Napabitaw ako sa doorknob at napaatras na lang nang marinig ko ang boses na yun. Naiwang may siwang ang pinto kaya rinig ko pa rin ang pinaguusapan nila.
"You know how good woman's instinct. Hindi na ako magtataka pa kung naghihinala na siya" Para akong nanonood sa sinehan. Kitang-kita ko ang kilos nila dito mula sa labas. Nagpapasalamat na rin ako kasi patay na ang mga ilaw dito sa hallway kaya hindi nila ako mapapansin dito.
"We should stop seeing each other." lumayo siya nang kaunti sa kausap niya. At para pa siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabi niya.
"Bash..." may panunuyong sabi ng kausap niya. Nananatili pa rin ako dito sa dilim ayaw ko munang umeksena. Gusto ko pang marinig ang sasabihin nila.
"Hindi tama 'tong ginagawa natin. I have a girlfriend—" pinutol niya ang sasabihin ni Seb.
"Pero totoo ka ba sa nararamdaman mo? Kasi sa nakikita ko you're just using her." doon na ako lalong natigilan. Buti na lang nakasandal ako sa pader kaya nakakuha ako ng suporta sa pagtayo. Tumungo na lang ako dahil iniisip ko ang mga sinasabi nila.
"No! I'm not using her sh-she's important to me." ang malakas na sigaw niya ang nagpatunghay muli ng ulo ko para makita sila
"Just important to you! But you didn't love her! Kaya mas mali yang ginagawa mo!" Parang pinagsusuntok ang puso dahil sa narinig ko. Akala ko mali lang ung kutob ko noon sa nararamdaman niya para sa akin pero tama pala. Dahil sa simple ngang pag-I love you ay hindi niya nagawa sa akin. Mahilig lang siyang ibili ako ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.
"But I don't want to hurt her. Sobra na ang nararanasan niya at ayoko nang dumagdag pa." Dahil sa sinabi niya kinumpirma niya na hindi nga niya ako mahal. Pero hindi ko rin kailangan ng awa niya.
"Pero sa una pa lang nasaktan mo na siya. Dahil kung totoong mahal mo siya hinding-hindi ka papayag na makipagkita sa akin. You should have pushed me away." nagsisigawan na sila sa loob kaya mas naririnig ko sila ng malinaw.
"Pero alam mong may girlfriend ako and you insisted na makipagkita." pero nasa kanya ang desisyon kung makikipagkita ba siya o hindi. Dahil kung girlfriend nga ang turing niya sa akin iisipin niya agad ako.
"Hindi mo man lang ba naisip na pwedeng sinusubakan lang kita. Kaya nung una pa lang na nakipagkita ako at pumayag ka I know there's still something on us. Ni hindi ka nga tumanggi." tumigil pa siya para magisip."Nung kailan nga lang dali-dali ka pang pumunta sa akin pero may usapan pala kayong magsasabay kayong uuwi dahil nag-away na rin kayo dahil sa pagdududa niya." hindi ko alam kung kakayanin ko pang makinig sa kanila. Siya pala yung taong nasa tanong ko lagi pero hindi ko alam kung kanino ang magtatanong. Siya ung dahilan para magmadali si Seb ag kalimutan ako sa isang iglap.
"Yeah tama ka dahil kahit anong gawin ko you're still in my mind. Pero anong gagawin ko kay Zyrine. Masasaktan siya" nakikisiksik lang pala talaga ako sa kanya. Kaya ang dali lang niyang kalimutang ang mga usapan namin. Napatawa na lang ako. Wala akong lugar sa kanya. Dahil isa lang ang alam ko kung sino nga ba ako sa kanya, empleyado lang niya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...