Chapter 29

102 7 1
                                    

Chapter 29

"Anong gusto mo? Milk tea? Frappe? Milkshakes? Fruit tea? O tubig na lang?" Sinaman ko siya nang tingin. Pati ba naman tubig nasa choices niya.

"Sige tubig na lang sa akin ung maraming yelo para ibubuhos ko sa'yo." pagtataray ko pa sa kanya pero imbis na matakot tinawanan niya lang ako at pinisil pa ang kaliwa kong pisngi na agad ko ring inilayo sa sa kanya. Nagulat siya sa naging reaksyon ko kaya naiwan pa sa ere ang kamay niya.

Patay malisyang ngumiti sa akin. Hindi lang ako sanay kapag may humahawak sa akin. Hindi dahil maarte ako pero hindi lang normal sa akin ang mga ganon. Lalo na hindi ko naman siya kaano-ano. Mas mabuti na ung alam ang mga limitations.

"M-milkshake sa akin ung chocolate." iniwan ko na siya sa pila at naghanap ng mauupuan.

Umupo ako habang naghihintay sa kanyang umorder. Tamanlang naman ung ginawa ko 'di ba? Pero bakit nag-guilty ako sa ginawa ko? Hindi tama lang 'yun, naiintindihan naman niya 'yun siguro. Hindi pa rin mawala sa isip konung itsura nang bigla akong lumayo sa kanya, para siyang nasaktan dahil sa ginawa ko.

Hindi ko rin maiwasan ang maisip si Seb. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Sana naging maganda ang nangyari sa kanya ngayong araw. Natutuwa pa rin ako sa ginwa niya kanina na pagpunta sa bahay para lang sabihin na mawawa siya these following days. Hindi na napansin na nakangiti na pala ako, tumingin ako sa palogid para tingin kung may nakatingin sa akin. Mabuti na lang wala baka mapagkamalan pa akong baliw. At bakit ba ako ngumiti e naisip ko lang naman siya?

Napasimangot ako bigla dahil sa mga iniisp ko. Dapat hindi ko binibigyan ng ibang meaning ang ginagawa niya. Dapat nga hindi rin ako natutuwa. Ano bang nangyayari sa akin? Ang sabi ko magmo-move in na ako at kakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya pero bakit parang hindi naman talaga nawala? Parang nabubuhay lang uli, simpleng ngiti lang niya bumibilis na ang tibok ng puso ko. Ginulo ko na lang ang buhok ko dahil hindi ko na alam kung ano ang iniisip ko.

"Are you okay?" Hindi ko na rin napansin na nandito na pala si Nikolai sa tabi ko.

"Ayos lang ako. Tara na?" Inabot niya sa akin ang milkshake habang nagtatakang nakatingin sa akin. Inunahan ko na siya makalabas ng café.

"Ang weird mo talaga. Ginugulo mo basta ang buhok mo." sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin na parang ako na ang pinaka-kakaibang tao sa paligid.

"Para ginulo lang ang buhok ganan ka na makatingin ang arte mo." inirapan ko pa siya bago magpatuloy sa paglalakad.

"Ang arte mo rin kung maka-irap ka diyan dukutin ko mata mo e." tumigil ako sa paglakad para harapin siya.

"Para kang babae kung magsalita." huli na nang marealized ko ang sinabi ko. Pusong babae nga pala siya dati o hanggang ngayon?

"Tss as if you don't know my past." parang naasar niyang sabi sa akin.

"Sorry naman. Hindi naman kita nakausap nang katulad nito 'no. Laging pormal kang makipagusap. Kaya hindi ko nga rin akalain na-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko, akward na lang akong tumawa at naglakad papalayo sa kanya.

Kahit kailan talaga napakatabil at walang preno ng bibig ko, nakakahiya. Wala ata ako sa matinong pagiisip kaya kung ano-ano na naman ang sinasabi ko.

Tahimik ang buong biyahe namin papunta sa fruit market na sinasabi niya. Hindi na lang din ako umimik at ininom na lang ang milkshake na binili niya.

"We're here." bumaba na siya ng sasakyan bitbit ang milk tea niya. Hindi man lang ako pinagbuksan. Pero ayos lang hindi ko rin naman gusto na pinagbubuksan ako ng pinto.

Na-offend ba siya sa nasabi ko? Matampuhin pala siya, malay ko bang mao-offend siya. Sumunod na lang ako sa kanya para makasabay sa paglalakad niya. Marami-rami ring taong namimili ngayon kahit gabi na. Kitang-kita rin nage-enjoy sila sa pamimili.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon