Chapter 16"Good morning Ma'am!" Masiglang bati ni Kuya Jano. Sana ganan din ako kasigla ngayon. Kaso hindi e.
"Wala pong good sa umaga." natigilan siya sa sinabi ko kaya agad ko ring binawi,"Joke lang po. Good morning din" umaliwalas agad ang mukha niya. Ito na rin ang huling pagbati niya. At hindi ko na uli siya makikita tuwing umaga. Nakakalungkot, kahit na maigsing panahon lang ay naging mabait siya sa akin. Hindi niya nakakaligtaan na batiin ako.
"Janica!" Tawag sa akin ni Geraldine. May kausap si Faye kaya hindi niya pa ako mabati pero napalingon siya sa gawi ko.
"Oh anong problema mo? Magtrabaho ka na lang dyan gayahin mo si Faye." pagtataray ko. Mamimiss ko ang dalawang 'to. Kahit hindi kami ganon kaclose ay napalapit na rin sila sa akin. Ngayong aalis na ako hindi man lang ako nakasama sa mga gala nila kahit isang beses.
"Ay ang sungit neto. Mukha kang adik anyare sa'yo?" sige lang maangasar ka lang dahil hindi mo na yan mauulit pa.
"Thank you po." pagpapasalamat ni Faye sa kausap. Pagkaalis na pagkaalis nito ay bumaling siya sa akin.
"Janica ayos ka lang ba? Bakit ganan ang itsura mo ang laki ng eye bags mo?" Ayos na sana kasi concerned siya kaya nga lang sinamahan pa ng lait.
"Alam niyo kayong dalawa tigilan niyo ako sa pangaasar. Tsaka ano naman kung malaki ang eye bags ko. Maganda pa rin naman." inirapan nila ako at umirap pa sabay nagkunwaring nasusuka.
"Tigilan mo rin kami sa paganan mo nakakasuka. Sige na magtrabaho ka na ginugulo mo kami." pantataboy pa niya sa akin.
"Ang kapal neto ikaw nga ang tumawag sa akin."
"Bakit ka lumapit?" Sabay-sabay kaming natawa sa pinagsasasabi namin. Tinalikuran ko na sila at umalis. Mamimiss ko ang pangaasar nila sa akin. Kung pwede lang hindi na umalis kaya nga lang parang ang panget kung mananatili pa ako dito.
Andito na ako sa elavator. May iilan akong kasabay na empleyado pero hindi ko sila kilala. Una silang lumabas. Mas lalo tuloy akong kinabahan na pumunta doon. Kaya sana wala pa siya sa office niya dahil hinding-hindi talaga ako magpapakita sa kanya. Usually sa gantong oras ay may kausap na siyang client.
Tumunog ang elavator hudyat na nagdito na ako sa tang palapag. Kaya lumabas na ako at dumeretso sa office ni Sir Kevin.
Nakita ko siyang abala sa mga papeles na nakakalat sa desk niya. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.
"Miss Jimenez bakit hindi ka pumasok kahapon? Hinahanap ka ni Sir. Hindi nga yun nakapagfocus sa trabaho niya e." Bungad sa akin ni Sir Kevin pagkapasok ko sa office.
Hindi nakapagfocus neknek niya, baka takot siyang ipagkalat ko ang sekreto nila. Huwag silang mag-alala hindi ako ganong kasama para isiwalat ang ganong bagay. Sabi ko nga ayaw ko nung naghihiganti. Tsaka ngayon pa siya hindi nakafocus sa trabaho e wala na nga siyang iintindihin if ever na tumawag yun sa kanya.
"Hay nako Sir Kevin alam mo ikaw po talaga ang puno't dulo ng lahat. Kung hindi mo sana ako binunggo hindi ko kayo makikilala. Ang lawak-lawak kasi ng kalsada binunggo mo pa ako. Hindi sana ako minamalas." hindi ko pa rin malimutan ang ang araw na yon. Akala ko sinuwerte ako nun kasi magkakatrabaho na ako. Yun pala lalo lang akong minalas. Napalayas pa ng bahay.
"Miss Jimenez hindi ka pa rin ba move on sa pagkakabunggo ko?" Inirapan ko na lang siya. Kung ayun nga hindi ko malimutan paano pa ung mga naganap ngayon lalong hindi ko na makakalimutan. But I should not forget those things instead I will use it as my strength to move forward. Wow, english.
"Asan po ang boss mo?" Ngayon pa lang hindi ko na siya itinuturing na boss ko. Sana wala siya sa office. At sana nandoon pa rin ang phone ko. Wala pa sa budget ko ang bumili ng bago. May mga bagay na dapat akong mas unahin kesa ang pagbili ng bagong cellphone.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...