Chapter 1

655 30 0
                                    

Chapter 1

Hay ano ba yan hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Ilang buwan na ang nakalipas nung maka-graduate ako pero heto nga-nga pa rin. Akala ko dati kapag naka-graduate na okay na. Pwede nang gawin ang kahit ano. Hindi pala ganon 'yon. Kung ano-ano kasing iniimagine ko dati. Nasampal ako ngayon ng katotohanan. Ang sakit ha in fairness. It is really imposible to have a good life just after you graduate unless kung mayaman ka talaga.

"Janica! Wala ka pa ring trabaho? Ano ba yan kaya ka nga iginapang sa hirap para makapagtapos ka pero ano ngayon wala, wala pa ring nangyayare." Malakas na sigaw ni tita nang makalabas siya ng kwarto niya.

Kung makareact nanag ganon feeling niya iginapang niya talaga ako sa hirap. Nahiya naman yung mga part-time jobs na tinarbaho ko.

"Tita huwag kang mag-alala makakahanap rin ako ng trabaho at bibigyan kita ng pera kung ayon ang gusto mo." ayaw pa kasing sabihin bigyan ko na lang siya ng pera ang dami pang sinasabi.

Nakapagaral lang naman ako dahil sa kakayanan ko at wala siya naitulong. Parang sobra naman 'yung walang naitulong pero kung meron man siguro iilang percent lang. Nagworking student kaya ako para may panggastos ako sa school pati na dito sa bahay. Never naman kasi akong nakihati sa kung anong meron sa bahay niya.

"Ay dapat lang ako kaya ang nagpapalamon sayo dito. At kung wala ako wala ka ring matutuluyan kaya maghanap ka na ng trabaho para hindi ka na pabigat dito." Hindi ko naman nakalimutan nyun pero hindi na niya daapt ipamukha sa akin. Kung minsan nga hindi naman ako dito kumakain, ginagawan ko nang paraan para hindi niya maisumbat iyon sa akin. Pero minsan kapos talaga ako sa budget kaya no choice ako.

"Opo, opo maghahanap na ung malaki ang sweldo" para makaalis na rin ako sa bahay na 'to nakakaasar na kasi dito. Lagi na lang akong nagtitiis. Kaya kahit noong maliit pa ako ipinangako ko talaga sa sarili ko na magsusumikap ako para may mapatunayan ako sa kanya.

_

"Ate! Paextend nga dito sa PC-18!" mauubos na ang natitira kong pera kakahanap ng trabaho. Wala naman kasi akong sariling laptop kaya tamang renta-renta na lang sa computer shop. Magkano rin ang nagagastos ko sa pagrerent. Buti na lang noong ako ay nag-college pwedeng gumamit ng libre sa school pero ang print may bayad syempre.

Naghahanap ako ngayon ng trabaho online. Feeling ko kasi mas mabilis akong makakahanap dito. Tsaka need ko rin maggawa ng resume para ready na, aapplyan na lang talaga ang kulang. Para yung application letter na lang ang iintindihin ko pag may nahanap akong trabaho. Maraming hiring pero masyado silang choosy sa mga gusto nilang i-hire. Ang hirap pala maghanap ng trabaho. Pero okay lang sa akin kahit saan basta mabait nag boss at may sapat na sahod. Tsaka na ako magiging mapili kapag marami na akong experience.

Sana kahit isa man lang sa pinasahan ko ng resume ay tawagan ako for interview. Hindi ko na talaga kakayaning mag-stay pa sa bahay ni tita ng matagal. Baka maluka na ko lalo. Wala naman akong ibang gagawin sa buhay hung hindi ang magtrabaho. Mabuti sana kung mayaman ako pwedeng chill-chill lang.

"Aray/Aah" sabay na sigaw namin ng nakabungguan kong lalaki. Grabe naman kasi lawak ng kalsada hindi man lang umisod-isod nasa tabi na nga ako. Lutang ata 'to e. Hindi man lang napansin na may mabubunggo na siya. Kulang nan ga lang pumagkit na ako sa pader para lang hindi kami magkabungguan. Nabunggo pa rin ako.

"Sorry miss, sorry." habang sinisimot niya ung mga resume ko na nahulog nung nagkabanggaan kami. Bago ko pa yun nagawa at napaprint. Ung iba ang dumi na paano ko pa ito magagamit. Kung sabagay okay lang baka ito na nag sign na hindi ko na 'to kakailanganin kasi matatanggap na ako sa trabaho. Puro ako imagination wala namang nangyayari kahit isa sa inimagine ko.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon