Chapter 6

231 20 1
                                    

Chapter 6

Lumipas ang mga araw medyo nagiging close na kami ni sir. Paminsan-minsan rin kaming pumupunta sa night market. Wala rin akong nagiging problema sa trabaho pero pag-uwi sa bahay puro problema ang nadadatnan ko. Tulad na lang nung isang araw.

"Ma! Kailangan ko ng pambili ng project!" Nakakasurang sigaw ni Kayla. Pwede namang hindi sumigaw mahiya sana siya sa kapit-bahay.

"Ay nako Kayla wala pa akong pera alam mo namang kakaluwas lang ng tatay mo papuntang trabaho." asar na sagot ni Tita sa kanya.

"Paano yan ma? Edi hindi na lang ako magpapass ng project?" Ewan ko ba pero asar na asar akong makinig ang boses niya. Kahit nasa loob ako ng kwarto kinig na kinig ko ang pabebe niyang boses nakakairita.

"Syempre magpapass ka pa rin teka." saglit na natahimik ang mag-ina. Kaya nga lang malakas na katok sq pinto ang narinig ko.

"Hoy Janica! Pahingi nga muna ng pambili ng project! Tandaan mo nakikitira ka dito sa amin dapat lang may mapala rin kami sayo!" Isa pa kinaasaran ko kapag nanghihingi sila ng tulong sana humingi sila na may pagpapakumbaba hindi yung may kasama pang panunumbat.

Kahit labag sa kalooban ko kumuha pq rin ako ng pera para ibigay sa kanila,"Ito po Tita." nakasimangot kong tugon sa kanila. Pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano ba naman yan Janica eto lang? Sa tagal mo nang nagtatrabaho ito lang mapapala namin sayo ha? W-wala kang kwenta!" Pagsesermon niya pero hindi niya magawang tumingin sa mga mata. Pareho silang weird ng anak niya.

Tumalikod siya at pinuntahan si Kayla. Padabog niyang inabot ung pera at parang naguusap pa gamit ang mga mata nila.kaya lalo akong napasimangot habang pinapanood sila. Hindi ko alam kung galit siya kay Kayla kasi humingi siya o galit siya sa akin dahil kulang ang bigay ko.

Hindi ko rin maiwasan na madala sa trabaho ang mga isipin ko. Minsan nga napupuna na ako ni sir.

"Hey Zyrine are you alright?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Kumakain kasi kami pero ito ako napapatulala.

"Yes po, may iniisip lang." nahihiyang tugon ko sa kanya,"You can tell me, what's bothering you?" Hindi ko na pinahalata pero nagulat ako sa sinabi niya. Never kasi akong natanong kung ano ang problema ko o kung ano ang bumabagabag sa akin.

"K-kasi..." sasabihin ko ba o huwag na lang? But he's looking at me intently, he's really waiting for me to talk.

"Hindi ko kasi maiwasan na mapaisip kapag sinabihan ako ng 'walang kwenta', kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko." kapag kasi narinig ko ang mga salitang yon napapisip ako kung ano nga ba ang kwenta ko?

"I think wala talaga akong kwenta kahit anong gawin ko kulang pa rin kaya nga siguro ako iniwan ng mga magulang ko e kasi alam na agad nila na wala akong kwenta." hindi ko tuloy mapigilan ang maging emosyonal never kasi akong nagopen sa ibang tao laging sa sarili ko lang,"Siguro nagsisisi rin talaag sila na pinanganak pa ako" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ano kaya ang inisip niya. Baka nar-realize na rin niya na wala talaga akong kwenta. Oo na lahat na ng tao isipin na wala akong kwenta. Ang drama ko kasi e.

Dahan-dahan siyan tumayo. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa table niya. Siguro naasar na siya sa kadramahan ko. Siya naman kasi e pinagkwento niya ako. Tapos lalayasan niya lang ako.

Lumapit siya sakin at tumayo sa harapan ko.

"Wala pala akong kahit anong pamunas let me just use this" nakangiti niyang sabi. Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla lang naman niyang pinusan ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya. After niyang gawin yon umupo siya sa tabi ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon