Chapter 27
Unti-unti nang nakakarecover si Kayla. Mas nakakakilos na rin siya nang mas maayos at naghihilom narin ang mga sugat niya. Ang ligalig na rin dahil sa mga peklat na maiiwan ng mga sugat niya. Pwede pa naman yun maalis lalo't hindi naman niya kinutkot.
Dumating rin si Tito. Hindi ko tuloy naiwasang hindi mainggit dahil kitang-kita ko ang pagaalala niya sa nangyari sa anak niya. Minsan iniisip ko rin kung anong pakiramdam ng may mga magulang.
I still want to experience the love of my parents but I know it is impossible to happen. I'm still hoping that someday my Tita will tell me the story of my parents. Twenty-two years of existence but still seeking to an answer. Hindi ko man lang naranasan kung paano mapagalitan nila. Kahit naman lagi ako ang napapagalitan ni Tita iba pa rin siguro ung feeling kapag sila ang nagsermon sa akin. Napapangiti na lang ako ng mapait habang pinagmamasdan sila.
Kakauwi ko lang galing sa ospital. Hanggang ngayon ako pa rin ang nagbabantay kay Kayla sa ospital. Hinayaan kong makapagpahinga sina Tita at Tito. Kahit naman anong sama ng trato nila sa akin hindi ko kayang basta na lang silang hindi tulungan. Ayoko ko sa lahat nung ganon. I don't need to get revenge for they have done to me. For me it's nothing but a memory. Hindi ko nga lang minsan maiwasan na maasar kapag naaala ko ang mga sinasabi sa akin ni Tita. Pero hindi ko pa rin alam kung hindi na ba galit sa akin si Tita. Napapansin ko kasi iba na ang trato ni Tita.
Hindi ko ba alam kung dahil nahihiya sila dahil sa pagtulong ko sa kanila kaya sila nagkakaganong mag-ina. Wala akong problema pagdarring kay Tito, mabait siya sa akin pero hindi rin kami ganon ka-close dahil lagi naman siyang wala sa bahay.
Magmula nang maaksidente si Kayla hindi nabanggit ni Tita ung topic kung bakit niya ako pinalayas. Siguro naman kita niya sa katawan ko na hindi talaga ako buntis. Acting lang ata nila yung mag-ina para mapalayas na talaga ako sa pamamahay nila.
Pagkakauwi ko natutulog muna ako kahit konting oras dahil maaga pa naman. Hindi ako msayadong nakakatulog nang maayos sa ospital, sumasakit ang likod at batok ko. Syempre pinapakiramdaman ko rin si Kayla. Hindi ako nagstay doon para makitulog kung hindi magbantay sa pasyente.
Unti-unti na akong dinadalaw ng antok nang biglang may nagkalampag ng gate. Sino naman kaya yun? Madaling araw pa lang nambubulabog na. hindi ko rin naman nakakausap madalas ang mga kapitbahay ko.
Kahit antok na anto na ako pinilit ko pa ring bumangon para makita kung sino ang taong walang galang na nambubulabog.
"Teka ito na lalabas na." kinalampag niya uli ung gate.
Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Dahil sa antok hindi ko na maibukas nang maayos ang mga mata ko kaya hindi ko pa rin makilala kung sino ba ang taong 'to.
"Ano pong kailangan nila? Hindi niyo po ba alam na nakakabulabog kayo? Ayos lang din naman kung ako lang ang magugulo kaya nga lang baka nabulabog mo rin yung mga kapitbahay." mahabang lintanya ko sa kanya kahit hindi ko pa rin alam kung sino siya.
"That's one of the reasons why I fall in love to you. You're always thinking about the sake of others over yourself." naimulat ko bigla ang kaninang antok na antok ko ng mga mata dahil kilala ko kung kanino boses yun.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Seb na ngiting-ngiting nakatingin sa akin.
"Your Tita mentioned that you're staying at the hospital every night. Kaya naisipan ko na puntahan ka, to have breakfast together." sabay taas ng mga dala niya. Ngayon ko lang napasin na may mga dala pala siya.
"Paano naman kayo nagkausap ni Tita? At bakit ang aga mo? 4:30 pa lang ata." maaga talga ako umuuwi para nga makatulog pa ako. Kaya nagtataka ako na nandito na siya imbis na natutulog pa siya sa kama niya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...