Chapter 17

167 19 3
                                    


Chapter 17

"Janica ano ba sa akin na yang mic ako na ang kakanta para maganda." nakikipag-agawan ako ngayon sa kanila ng mic.

Hindi ko alam kung ano nang nangyari. Basta masakit na ang ulo ko ngayon.

"Sabi mo hindi ka iinom pero mas lasinh ka pa sa amin. First time mo ba?" Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa screen.

Nagumpisa ng kumanta si Geraldine nung kantang 'Sana'. Hindi ko alam kung ano ang kanta na yun kaya nakinig na lang ako sa kanya.

Kakaumpisa palang niya pero damang-dama ko na agad ung kanta. Naalala ko kaagad si Seb lalo na nung mga nakaraang araw na magkasama pa rin kami.

Naalala kung paano nagbago ang palikitungo niya sa akin. Ung para bang hindi niya ako girlfriend. Para lang akong simpleng empleyado niya. Ung dating walang emosyon niyang mga mata ay lalo pang nawala pwera na lang kapag may kausap siya sa phone niya. Na kahit magkasama kami parang wala lang rin dahil antahimik niya at iniintay ko na kang siyang sumangayon sa mga sinasabi ko.

Minsan nga naiisip ko na tanungin siya kung bakit naiiba siya. Nagdududa rin ako na baka may bago na.

Kusang tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang chorus. Kahit hindi ko alam ang kanya na 'to feeling ko nakalaan talaga na ngayon ko lang ito malaman. Tamang-tama sa akin yung mga lyrics. Akala ko talaga kami na hanggang dulo dahil naiintndihan namin ang isa't-isa pero naging assuming pala ako. Ang galing kong umasa. Hindi man kang kami nagtagal pero na-assume ko na agad na kami na talaga. Ayos lang din kung sinabihan niya agad ako para hindi ako umasa na meron talagang kami.

"Ayos ka lang ba Janica?" Nagaalalang tanong ni Faye. Tumango lang ako at hindi na sumagot. Nagpatuloy lang si Geraldine sa pagkanta.

Nung time na nalaman ko ang katotohanan. Nung papaalis na ako binagalan ko ang lakad ko bukod sa hindi ko kayang magmadali umaasa kasi ako na susundan pa niya ako. Pero pati doon umasa lang ako. Dahil kahit nakailang lingon ako pabalik hindi ko man lanh siya nakitang nakatanaw sa akin. Naisip ko tuloy na wala talaga siyang pakeelam sa akin. Pero ngayon hindi na ako umaasa na babalik pa ang lahat. Hindi na maibabalik ang kasinungalingan na yon. Kahit minsan na magkasama kami hindi nakita na totoo ang mga ngiti na ipikita niya sa akin.

Ngayon alam ko na ang tanong kung bakit siya nag-iba. Dahil may iba na siyang iniisip. Sabagay kahit noonb kami naman siya pa rin ang nasa isip niya. Dapat hindi na siya nagpakita ng motive para ma-fall ako. Ang tanga-tanga ko rin naman nagpauto ako. Pero dapat sinabi niya nang mas maaga. Okay lang naman sa akin na palayain siya. Dahil ngayon mas alam ko na kailaman hindi siya naging sa akin. Hahayaan ko siyang maging masaya.

Pero kung nabago ko kaya ang mga gusto at ayaw niya sa akin mags-stay ba siya? Kung nalaman ko kung anong gusto niya kay Nikolai hidni ba 'to mangyayari? Imposible dahil kahit anong gawin ko hindi ko kayang mapaltan siya. Pero nakakasar siya may pasabi-sabi pa siya nakahit kaning dalawa lang okay na. Kahit marami kaming sari-sariling problema kakayanin namin basta magkasama kami lalo lang tuloy akong nagulog sa kanya. Hindi ko naman alam na hindi pala niya ako sinasalo. Ako lang pala ang nagaakala na pwede kami hanggang dulo. Ang saki-sakit pa lalo nung nalaman ko na may hinhintay lang pala siya.

"Nung bumalek siya...para nila akong...pinagtulungan." pagmamaktol ko. Wala na akong pakielam kung mukha akonh ewan dito.

Inaalalayan ako ni Faye baka daw ako mahulog mula sa kinakaupuan ko.

"Kinaya ko ngang mahulog sa maleng tao e...sa saheg pa kaya." titigil sana si Geraldine sa pagkanta pero pinigilan ko siya kaya nagpatuloy na lang siya.

Sana sinabi niya kung ano ba talagang mali sa akin. Bakit ginawa niya yun sa akin ako bang meron sa akin. Deserve ko bang saktan? Sana pinigilan niya akong mahulog sa kanya kung wala naman pala siyang planong saluhin ako. Ngayong alam ko na ang lahat hahayaan ko na lang silang maging masaya. Hinding-hindi ko sila guguluhin kahit ang sakit-sakit.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon