Chapter 12
Sa wakas day off ko na rin. Ilang araw na rin ang lumipas mula nung nagaaway kaming dalawa. Buti na lang pumayag siyang mag-day off ako. I will treat myself for today. Hindi naman kailangna lagi kaming magkasama. I need time for myself, ay ang arte. But seriously marami rin daw siyang gagawin kaya hinayaan na niya lang ako mag-isang maggala. Naroon rin naman si Sir Kevin para tumulong sa kanya. Okay na rin yun minsan ko lang din magawang mamasyal.
"Janica! Aba'y bangon na mag-imis ka naman dito sa bahay. Aalis kami maiwan ka na dito." makakatok at makasigaw si Tita abot na sa kapitbahay.
Bumangon na ako at marahas na binuksan ang pinto. Nagulat siya kaya sinamaan niya ako nang tingin paalis na sana siya sa may kwarto.
"Nagdadabog ka ba?!" Agang-aga nakasigaw. Ang ganda sana ng araw ko kasi day off ko kaya nga lang itong si Tita ang galing manira.
"Hindi po. Aalis din po ako." nilampasan ko na siya at pumunta sa lababo para maghilamos.
"Edi bago ka umalis mag-imis ka muna dito." Nagpapaalam lang ako hindi ko naman sinabing hindi ako maglilinis.
"Opo Tita sinasabi ko lang po sa inyo." baka kasi hanapin niya ako pagbalik nila pero imposible nga pala na hanapin nila ako. Nag-effort pa talaga akong mag-paalam.
"Ma, ano ba yan ang aga-aga ang ingay niyo." gising na ang bruha. Kung nakakasira na ng araw si Tita ito makita mo pa lamang sirang-sira na.
"Sinabihan ko lang si Janica na maglinis ng bahay. Maghilamos ka na at magalmusal aalis tayo" kabadtrip talaga 'tong mag-ina. Ako paglilinis agad ang bungad hindi man lang ako maalok ng almusal.
Lumabas na ako dito na muna ako maguumpisang maglinis. Mamaya na ako mag-aalmusal. Ayaw nila akong kasabay kaya mamaya na lang. Nagsimula na akong magwalis at magdilig ng mga halaman. Marami kasing tanim na mga bulalak sa bakuran. Ayaw na ayaw ni Tita na mapabayaan kahit isa sa kanila. Kaya inumpisahan ko nang magwalis.
"Aalis na kami ikaw na bahala diyan. Hugasan mo ung mga hugasin pag naglaba ka idamay mo na ung hinubad namin ngayon." tumango-tango lang ako sa mga sinasabi niya. At ung pinsan kong magaling inirapan lang ako. Lagi na lang mainit ang dugo niya sa akin wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Never ata kaming nagkaroon ng normal at mapayapang paguusap.
Pagkaalis nila ay nagalmusal na ako. Para tuloy-tuloy na ang paglilinis ko. Inuna ko ang mga hugasin, kakaunti lang naman. Sinunod ko na ang paglilinis sa bahay, nagwalis muna ako ng sahig tsaka ako nagalis ng mga alikabok sa mga gamit. Ambikis kasingat ang paglalaba. Antahimik ngayon dito sa bahay buti wala ung sila. Kung nandito kasi sila hindi agad matatapos sa ginagawa ko, isang kilos isang buka rin ng bibig nila. Mababarino lang ako sa kanila.
Naghahanda na ako para umalis. Tinanghali na ako sa pagaalis. Natagalan ako sa paglalaba. Sa mall na lang siguro ako pupunta. Pero hindi ako gagastos ng sobra. Need ko pa ring makaipon para sa down payment para dun sa bahay.
"Hello?" Papaalis na ako sa bahay nang tumawag siya sa akin,"Bakit ka napatawag?" Chineck ko muna lahat bago tuluyang umalis. And I make sure na naka-lock ang pinto at gate bago umalis.
"How's your day? Did you plan anything?" Ramdam ko sa boses niya na gusto niyang sumama pero hindi pwede.
"Yeah, actually papunta na ako ngayon sa mall. Doon ko na lang naisipang pumunta bibili na lang ako ng mga kailangan ko." saktong may paparating na tricycle kaya pinara ko na. Para hindi na ako maglakad papalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/218222800-288-k956549.jpg)
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...