Chapter 23

173 17 0
                                    

Chapter 23

"Huwag mo na akong ihatid. Magsasakay na lang ako." hila-hila niya ako papalapit sa kotse niya.

"Ihahatid kita. Sakay na." nakasimangot akong sumakay sa kotse.

Sumakay na rin siya at nagsimulang magmaneho. Napahinto siya at tumingin sa akin. Naka-crossed arm ako at nakasimangot pa rin.

"Ihahatid lang kita wala akong gagawing masama, okay?" Tinanggal niya ang seatbelt niya at biglang lumapit. Ang kaninang nakasimangot kong mukha ay napalitan ng gulat.

"Ano ba? Bakit ba ang hilig niyong lumapit?" Ibinaling ko ang ulo ko sa kaliwang side. Nakakailang, ang lapit niya sa akin.

"Don't worry I'm not planning to kiss you. Pero pwede rin naman kung gusto mo." ngumiti siya bago tuluyang umalis sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mga pisngi ko. Bumilis rin ang tibok ng puso ko.

"A-ang kapal ko naman!" Humalukipkip na lang ako sa tabi at hindi na siya kinausap pa.

Ikinabit niya ang seatbelt ko kaya siya lumapit. Nakalimutan ko na palang ikabit nung pagsakay ko. Naasar pa tuloy niya ako.

"Bakit nga pala kayo magkasama ni Nikolai?" Mahinahong tanong niya sa akin habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay.

"Huwag kang magalala 'di ko siya aagawin sa'yo." nakatingin lang ako sa labas.

"That's not my point. Hiwalay na kami, Zyrine." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

Kahit kanina ko pa nalaman na hiwalay na sila parang ngayon pa lang naniniwala ung utak ko.

"A-ano naman? Huwag mong isipin na masaya akong hiwalay na kayo dahil wala na akong pake." tumingin na ang uli ako sa labas para hindi ako masyadong mailang.

Sa bait kong ito hindi ko iisiping maging masaya sa nangyari sa kanila.

"Bakit ba kayo n-naghiwalay?" Kailangan kong malaman ang reason niya. Para malaman kung totoo ba ang sinabi ni Nikolai. Magaling maggawa ng kwento.

Isa pa sa iisipin ko ang bigla niyang paghalik sa noo ko. Lasing nga siguro siya kaya kung ano-ano na ang ginagawa niya.

"Nagkasundo na lang kami na maghiwalay na. Akala ko nung magkita kaming muli may nararamdaman pa rin kami sa isa't-isa but it turns out na wala na pala talaga." payak siyang ngumiti, "Ang nakakatawa pa isa sa mga napagtalunan namin ay isang babae." kinabahan na naman ako nang tumingin siya saglit sa akin.

"Not because one of us was having an affair with a woman but instead we're both falling for her." tumigil ata ang paghinga ko. Kahit wala siyang nabanggit na pangalan alam kong ako ang tinutukoy niya.

Hindi na ako umimik pa dahil naiilang ako. Ang hirap nilang intindihing dalawa. Nung una pinipilit niyang magustuhan ako, 'yung isa naman umagaw lang sa boyfriend ko, naging kami nga ba talaga? Tapos ngayon sasabihin nila na may feelings na sila sa akin. Nagaadik ba sila?

"We're here. Gusto mo bang ihatid na kita sa tapat ng bahay mo?" Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa may kanto papunta sa bahay nina Tita.

"Hindi na ako diyan nakatira pero pwedeng dumeretso ka na at lumiko sa pangatlong kanto tapos deretso lang uli." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Dumaan kami sa harapan ng bahay nina Tita. Bukas ang ilaw sa labas pero patay ang mga ilaw sa loob. Tulog na kaya sila? Pero bakit parang ang aga naman. Nanonood pa si Tita ng mga palabas sa TV.

"'Yan lumiko ka tapos deretso na." sinunod niya ang sinabi ko.

Maya-maya pa ay natanaw ko na ang bahay ko. Ang dilim-dilim walang kahit isang ilaw ang nakabukas. Mga istorbo kasi sa paguwi ko nang maaga.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon