Chapter 35

107 6 18
                                    

Chapter 35

Kasura naman si manong sa ibang daan ako idinaan lalo lamg akong napalayo. Sa ibang part siya lumusot di ata naintindihan explanation ko. Dito ako sa may playground napadaan.

"Teka manong dito na lang ako sa tabi." pag-para ko kay manong.

"Dito ka na lang ba talaga?" Tumango ako sa kanya at inaabot ang bayad. Nagpasalamat rin ako.

Tumakbo ako papapunta sa playground. Nakita kong nakaupo sa swing ung batang babaeng nakita ko nung gabi.

"Zyra name mo 'di ba?" Bati ko sa kanya habang nakatingin siya sa paa niya.

Umangat ang ulo niya at napatingin sa akin. Umaliwalas bigla ang mukha niya nang makita ako. Ang lungkot na naman niya. Tulad nung una kaming nagkita. Ang bata-bata pa niya kung ano-ano na agad iniisp niya.

"Ate!" Tumayo siya at yumakap sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Ang init-init pa lumabas ka na agad ng bahay niyo." Tanong ko sa kanya habng inaalalayan siyang sumakay uli sa swing. Good thing maraming puno sa playground na 'to. Kaya malilim at maganda ang simou ng hangin.

"May nigagawa po si mommy that's why I sneak out. I wished po na makita kayo uli. And it's glanted alleady!" Ganto na ba kagaling magsalita ang three years old? Paano ko nga ba malalaman wala namang bata sa bahay, isip bata pwede pa.

"It's your lucky day today I guess." dahan-dahan ko siyang itunulak para mag-swing.

"Yes it's my lucky day" tuwang-tuwa siya habang nags-swing.

"Ano pong name mo ate?" Mahinhin na tanong niya.

"I'm ate Janica." patuloy lang ako sa pagduduyan sa kanya.

Ano kayang ginagawa ng mama niya. Lagi na lang nakakatakas ang bata na 'to. Kung minsan pa naman bigla na lang may nagpapaharurot ng mga sasakyan nila baka kung ano pang mangyari sa kanya. Dapat kahit anong busy ng mga magulang maisip pa rin nila na may anak silang dapat bantayan. Kahit sa pa related yun sa trabaho. Aanhin nila ang pera kung hindi naman nila nababantayan ang anak nila. Kung makapagsalita ako hindi naman ako magulang ata wala pa akong plano.

Kung ano-ano pa ginawa namin sa playground. Parang ngayon lang siya nakapaglaro sa labas. Nakipaghabulan pa siya sa akin mabuti na lang hindi ako inaatake ng hapo. Ayoko na talaga ng kape nakakabadtrip lang. Mabuti na lang din pala dito ako idinaan ni manong kahit puro ako reklamo kanina. Nakita ko tuloy ang bata na 'to. Kanina napalungkot niya pero mabuti tumatawa na siya ngayon. Kaya kahit gusto ko nang umuwi mas pinili ko na lang na samahan siya dito. Siguradong hindi papatahimikin ng konsensiya ko kung may mangyaring masama sa kanya.

"Yey! Zyla is so happy!" Sigaw niya habang tumatakbo. Kahit pangalan na niya utal pa rin niya.

"Pahinga ka muna. Upo ka muna dito." tawag ko sa kanya habang nakaupo sa isa sa mga bench na nandito.

"Pawisan ka na. Swerte mo mag tissue ako. Masamang matuyuan ng pawis." pinaupo ko siya sa tabi ko at pinunasan ng pawis.

Maya-maya pa ay humiga siya sa lap ko unti-unting ipinikit ang mga mata. Inabutan oa talaga ko ng pagka-antok niya. Kung sabagay oras talaga 'to para matulog ngayong hapon tapos kanina pa siyang naglalaro, makakatulog talaga siya.

Kaso anong oras kaya siya gigising inaantok na rin ako. Kanina ko pang gustong umuwi para makatulog na rin. Nakakapagod ang nangyari kanina. Kailan kaya matatahimik ang buhay ko kahit isang araw lang. Kapag sa office walang tigil ang bibig at utos ni Miss Maureen. Pati simpleng bagay kailangan pang iutos. Porket binabayaran niya kami kung makapagutos siya.

Pero nakakapagtaka lumipas na ang lunch time wala pa rin ung magaling mam-bwisit ng araw ko. Ano kayang nakain niya? Bakit hindi siya sumulpot ngayon na parang kabute. Siguro inistalk niya ako kaya alam niya minsan kung nasaan ako. Baka bumalik na siya sa pinanggalingan niya. May maganda rin palang nangyari ngayon wala ang asungot na si Nikolai. Maalala ko nga pala paano nalaman ni Sebastian na nasa sementeryo ako. Sa lawak nun nakita niya agad ako. Kung hindi pa nga ako nagpatulong hindi ko makikita. Isang tao lang ang nakakaalam, si Kayla. Pero paano niya nasabihan si Sebastian? May contact ba sila sa isa't-isa.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon