Chapter 4

284 24 0
                                    

Chapter 4
Tamad na tamad akong kumilos. Ano kayang sasabihin sa akin ng magaling kong boss mamaya? Pinilit ko na lang ang sarili ko na maggayak. Baka mamaya malate pako lalo na akong nasisante, buti sana kung makahanap agada ko ng trabaho. Swerete nan ga rin ako kung tutuusin dahil nagkatrabaho ako in an instant.

Slacks nagyon ang sinuot ko at isang white na blouse. Baka mamaya pumunta na naman kami sa kung saan ang hirap kapag nakapalda. Pumunta uli ako sa kwarto pagkagaling ko sa banyo. Nang makalabas ako ng banyo naabutan ko si tita na malalim ang iniisip. Ano kayang problema niya?

Isinuot ko ang black shoes ko at kinuha ang bag kong may butas. Wala naman akong ibang bag na babagay sa akin. Alangan naman na magbagpack ako. Pagsumahod ako ito agad ang bibilhin ko.

"Janica..." mahinahon niyang tawag nang makalabas ako ng kwarto,"Uuwi na ang magtatay." ayun lang ang sinabi niya at umalis na sa harapan ko.

Napabusangot rin ako kaagad dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin lang nun madadag-dagan pa ang nakakasura sa buhay ko. Ano kayang gustong iparating ni tita at sinabi niya yun sa akin? Para maghanda sa mga dadating? Ayokong-ayoko ko pa naman dun sa pinsan kong yun. Napakaarte.

"Tita kung uuwi rin si Kyla edi dito na siya magaaral?" Nagumpisa na kasi ng klase dito.

"Oo bakit may problema ba don?" Nagsungit na agad agang-aga pa.

"Oo meron po dahil ayokong makasama yang anak mo." yan ang gusto ko sanang sabihin pero huwag na lang baka mapalayas pa ako wala pa kong pera.

"Wala pong problema iniisip ko lang po ang pagaaral niya nagstart na po kasi ang klase." mahinahon kong sabi habang kumukuha ng tinapay sa lamesa.

"E kakaumpisa pa lang naman pala. Pwede pa yon imposibleng hindi yun papasukin ng eskwelahan." sabagay nakakaisang linggo pa lang ata ang pasok.

"Sige po papasok na po ako ng trabaho." sa daan ko na lang kakainin itong isang tinapay. Hindi rin kasi ako nagkakape nasisira ang tyan ko.

"Mabuti pa nga nang magkapera ka na." naalala ko bigla na baka hindi na umabot ang budget ko. Naubos na nung nagrerent ako sa computer shop. Sayang lang pera at efforts ko dun. 

"Tita..." kailangan kong kapalan ang mukha. Ayoko ngang mag-cash advance nakakahiya. Kakapasok ko pa lang mag kaka-CA na agad ako.

"Ano?" ang sungit naman niya.

"Kasi...ano wala na akong..." hindi ak makatingin sa kanya, nakakahiya.

"Ano nga?" nakakunot ang noo niya at hinihintay ang sasabihin ko.

"Pautangpowalanakasiakongpera." Mabilis na sabi ko sa kanya kaya lalong kumunot ang noo niya.

"Ayusin mo nga nag pagsasalita mo!" galit na siya.

"Pautang po wala na akong pera!" isinahod ko pa sa harapan niya ang dalawa kong kamay.

"Ayun lang pala hindi pa agad sinabi." Pumunta siya sa kwartoo niya.

Nagbaka-sakali lang ako. Nung huli kasing nanghingi ako sa kanya napagalitan ako. Pero ngayon utang na, mababayaran ko na kasi kapag sumahod ako.

"Ito o, doble balik yan ha." Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Masaya akong inabot sa kanya ang pera.

"Teka anong nangyari dyan?" nagulat ako nang hawakan niya nag kaliwa kong kamay.

"N-nadapa po ako." Hindi ko kailangan sabihin sa kanya ang nangyari hindi rin naman siya makikinig. Nagkasugat pala ako nung sinugod ako nung aso kahapon.

"Ano ba 'yan kung kailan kang tumanda tsaka ka pa nadadapa. Napakalampa mo talaga mang-mana ka sa...wala pumunta ka dito." Hind niya tinuloy kung kanino ako namana. Hinigit niya ako at pinaupo sa maganda niyang sofa. Umalis siya saglit at pagbalik niya may dala-dala siyang medicine kit.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon