Chapter 34
Bakit ako napunta dito? Dapat hindi na lang ako lumabas ng bahay. Dapat naglinis na lang ako ng kwarto at natulog. Mas gugustuhin ko pa yun kesa sa sitwasyon ko ngayon. Nakakapanlumo, kaharap ko lang naman ung babaeng laging masama ang tingin sa akin. Ung babaeng nakita namin ni Nikolai na kasama ni Sebastian nung isang araw. Bakit ba kasi nakipagbasag-ulo pa ako sa lalaking 'to ako rin pala ang mamalasin. Ang bilis-bilis talaga ng karma. Sana hinayaan ko na lang. Napasobra ba ako sa ginawa ko? Imposible namang malakas ang pambubugbog ko sa kanya sa liit kong 'to.
"K-kuya h-hi!" Nakakatawa ung itsura ni Dylan para siyang natatae na ewan. Ang laki siguro ng takot niya sa kuya niya. "May I have her? You'll get dirt if you continue to hug her." lumapit siya sa amin at pilit akong hinihigit mula sa kuya niya na wala atang planong bitawan ako.
"Kuya? Why don't you let go of her?" Mahinahong tanong niya pero halata na takot sa kuya niya.
Nagulat ako ako sa isinagot ni Seb sa kapatid niya na nakapagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. At sigurado akong ako lang ang nakarinig non.
"If this is the only way to stay with her I don't want to let go of her." ako na mismo ang nagkalas sa braso niyang nakayakap sa akin.
Lumapit kay Dylan ang girlfriend niya kaya lumayo muna sila saglit. Walang umiimik sa aking dalawa ni Sebastian. Ramdam ko rin na kanina pa siya nakatingin sa akin. Kaya iniiwas ko na lang ang mata ko sa kanya. Nagulat na lang kami nang may malakas na sampal kaming narinig.
"I hate you!" Nagwalk-out ung babaeng nagtapon sa akin ng shake habang nakahawak si Dylan sa pisngi niya.
Hindi ba siya nagsasawa na lagi siyang nasasampal. Feeling ko ang sakit-sakit nun. Nakahawak pa rin siya sa pisngi niya habang may kausap siya sa phone niya. Tumatawag na kaagad siya nga kapalit? Ibang klase siya.
"Ang lagkit." napahawak ako sa buhok ko. Kadiri ang lagkit lagkit, pati mukha ko.
"Maglinis ka muna. Intayin mo ko dito ibibili kita ng damit. Just make sure na hindi ka tatakas."
"Hindi na sobrang abala na ako sa'yo, ako na lang bahala." pero sa itsura niya halatang hindi ako mananalo. Kaya tumango na lang ako sa kanya kahit napipilitan lang ako. Mas okay na rin siguro yun kesa maglakad akong ganto ang itsura.
"What's happened?!" Sigaw ng babaeng ayaw ko nang makausap pa uli. Lalo kong gustong tumakas na lang dito para sila na lang magusap-usap.
Bakit ko ba kasi sinugod ang lalaking 'to?
Napalingon ako sa bagong dating. Kitang-kita ko ang pandidiri sa aming dalawa. Tumabi si Dylan sa akin bigla ng dumating ang babaeng 'to.
"Both of you will explain what happened but first clean yourselves. Ang dudungis niyo!" Nakakatakot siya, para kaming napagalitan ng nakakatandang kapatid. Pero sabagay ate naman talaga siya ni Dylan.
Nagpaalam saming dalawa ni Dylan ang magkapatid para bumili ng damit namin. Hindi na kakayanin ng wisik-wisik lang dahil sobrang lagkit.
"Hoy huwag na guwag kang tatakas ha? Ikaw ang may kasalan nito!" Pagbabanta niya sa akin bago tuluyang pumasok sa restroom.
Nang makapasok ako sa restroom ng babae biglang nagbulungan ang mga tao dito sa loob. Maya-maya pa ay umalis na rin sila. Mabuti naman solo ko 'to. Ang aarte nila parang ngayon lang nakakita ng madungis.
Nang makita ko ang sarili ko salamin narealize ko na mas gugustuhin ko na nga lang umalis. Sobrang dumi ko, ung buhok ko dikit-dikit na dahil sa sobrang lagkit. Ang kaninang kulay puti kong damit ay hindi ko na maintindihan ngayon ang kulay. Inuna ko nang linisan ang buhok ko. Sunod ang mga braso ko.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...