Chapter 9

158 20 2
                                    

Chapter 9

Dumeresto na lang ako sa table ko. Bahala silang mag-usap diyan. Mamaya na lang ako magtatanong kay Seb. Marami pa kasi akong gagawin. Malay ko rin ba kung sino 'tong Nikolai na 'to.

"Miss Jimenez would you please make us a coffee." utos sa akin ni Sir.

Buti na lang masarap ako magtimpla ng kape hindi nakakahiya sa nagiging bisita niya. Nasanay kasi ako sa bahay. Lagi kong pinagtitimpla sina tita at tito. Napapagalitan pa nga ako kapag ampanget ng lasa.

"Here's your coffee" pagkalapag oo sa mesa ay tumayo ako sa gilid ng sofa. Baka kasi may iutos ayos na yung sigurado.

Nagtatakang tiningnan ako ni Sir. "Why are you standing there?" Tanong niya sa akin.

"Baka po kasi may iutos pa po kayo." malumanay na sagot ko sa kanya.

"Don't worry there's nothing. But for a mean time stay at Kevin's office."

"Po?" Bakit ako dun magi-stay kung pwede naman ako dito? Hindi naman ako mag-iingay e.

"You heard me. I will not tell it twice. Go and finish your work there. I will call you if I need something." bakit ang harsh niya ngayon? Parang 'ung way nang pagsasalita niya ay yung way niya dati nung hindi pa kami. Wala na kong magagawa kaya inayos ko ang gamit ko para madala sa office ni Sir Kevin. Ano kayang trip niya? Ganun ba kahalaga ang paguusapan nila kaya dapat wala ako sa office niya.

Napalingon ako kay Nikolai, ayun nakangiti na naman. Hindi ko alam kung yung ngiti ay nangaasar o nags-sorry siya dahil napaalis ako. Hmmp bahala nga silang dalawa.

Bitbit ko ang nga gamit ko. Nandito na ako sa tapat ng pinto ng office ni Sir Kevin. Kumatok ako ng tatlong beses at hindi ko na siya inintay na pagbuksan ako.

"M-miss Jimenez anong ginagawa mo dito?" Puno ng pagtataka ang tanong niya.

"Dito daw po muna ako." Nilapag ko ang mga gamit ko sa bakanteng mesa. Wow sakto pa talaga na may vacant table na agad dito.

"Okay, let's go back to work." umupo na siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Kaya sinimulan ko na rin gawin ang akin. Pero maya-maya pa biglang siyang umimik.

"Pero Miss Jimenez-"

"Janica po." Pagtatama ko sa kanya.

"Janica sino bang bisita niya bakit ka pa pinaalis doon?" Halatang nagtataka rin siya. This is the first time that he didn't let me stay at his office. My presence was never an issue before not until now.

"Nikolai daw ung name." para siyang nagulat at parang biglang kinabahan sa sinabi k. o"I don't know him. Hindi ko rin nakikita name niya kapag nagaayos ako ng mga papeles. So assumed he's a friend. Do you know him?"

"Y-yeah kaibigan nga siya ni sir. I know him for quite some time" nakakaasar talaga siya minsan. Lagi na lang siya nauutal kapag kausap ako.

"Hmmm baka kaya they need some privacy. Sige po balik ka na sa ginagawa mo." dali-dali na siyang bumalik sa trabaho niya.

Pero napapaisip pa rin ako, bakit ba pinaalis niya ako. Hindi ko naman ipagsasabi ang paguusapan nila wala naman akong mapapala. Ano kaya talagang dahilhan? At tsaka bakit hindi binanggit kung anong meron sa aming dalawa. Hindi rin kasi siya mahilig magkwento tungkol sa kanya. Nagku-kwento man siya pero minsan lang. Ako ang laging nagk-kwento. Pwede na nga siyang magsulat ng talambuhay ko sa dami ko nang naikwento.

"Are done with that?" Tukoy niya sa pinapagawa sa akin ni Seb. Nakatayo na pala siya sa harap ng desk ko.

"Ah opo kakatapos ko lang din. Why?" Buti na nga lang natapos kahit hindi ako makapagconcentrate nang maayos.

"Pinapatawag ka na ni Sir. I think tapos na silang mag-usap." Nagpaalam na ako sa kanya at dumeretso na sa opisina habang dala-dala ko ang mga gamit ko.

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon