Chapter 10
Kanina pa akong gising pero tamad na tamad akong bumangon. Para bang pagod na pagod ako kahit galing na ako sa tulog. Pero sa totoo lang hindi rin talaga ako nakatulog ng maayos. Maya't-maya akong nagigising dahil sa nangyari kahapon. Dapat ko ba siyang tanungin? Baka masigawan niya lang uli ako. Ano kayang isasagot niya? Ung totoo o ung palusot lang. Hindi ko rin kasi masasabi kung nagsisinungaling siya. Masekreto siya sa maraming bagay about sa kanya. Samantalang ako dada nang dada sa kanya.
Chineck ko ang phone ko kung may tawag galing sa kanya. Bumagsak ang mga balikat ko nang makita na kahit isa wala. Kahit nga message wala e ung tawag pa kaya. Unti-unti na namang pumatak ang mga luha ko at hindi ko na rin naiwasang mapahikbi. Kahapon ko pa ito kinikimkim. Ang sakit sakit pala kapag ganto. Akala ko sanay na akong masaktan dahil sa mga pagsesermon at trato ni Tita sa akin pero iba pala talaga ang sakit kapag sa isang relasyon na.
Iba ung feeling kapag kasama ko siya. Oo masaya ako kasi may nakikinig na sa mga kwento ko, sa mga hinananakit at mga pangarap ko. Kaya nga lang minsan talaga para akong bata na nagmamakaawa para sa antensyon niya. Nakakadalawang buwan pa lang kami pero bakit parang pawala na agad. Meron nga bang kami simula umpisa pa lang?
"Hoy!" Pagagaw ng atensyon ni Tita sa akin. Napilit ko na rin sa wakas ang sarili ko na bumangon at maggayak pagpasok,"Hindi ka man lang ba mag-aalmusal?!" Napalingon ako sa sinabi niya at nagtatakang tumingin sa kanya.
"B-bakit ka ganyan makatingin? Umupo ka na nga!" Tinitingnan ko kasi baka nilalagnat siya. Pero minsan lang kaya go na.
"Nakakaasar talaga si mama." may ibinulong pa si Kayla bago ako makaupo pero hindi ko na lang pinansin.
"Yan kumain ka ng marami para hindi ka nagmumukhang panda!" Nakakatakot ang ikinikilos niya. Siya pa mismo ang naglagay ng sinangag sa plato ko pati na rin ng hotdog at itlog. Napatingin ako kay Kyla, ayun bumusangot ang mukha parang papel na ginusot. Buti na lang ako mukhang panda kaya cute pa rin pero siya hindi ko na maimagine kung ano. Grabe si Tita panda talaga porket...porket maga ang mga mata ko dahil sa kulang sa tulog at pag-iyak. Ang lulusog tuloy ng eye bags ako.
"S-salamat po Tita." nakakailang kumain. Hindi ko na maalala kung kailan ang huli kong pagsabay sa kanila sa pagkain. Sanay na kasi ako na nahuhuling kumain o kaya naman sa labas na ako kumakain.
"Salamat salamat ka dyan. Penge akong pamalengke pagsahod mo." okay na sana nata-touch na ako sa ginagawa niya kaso may sumingit pa rin. Imposibleng talaga kay Tita na magmalasakit para sa akin. Sapat na, na kinupkop niya ako at hanggang dun na lang yun. Pero lagi kong ngang sinasabi nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.
"Aalis na po ako. Salamat po uli. Malapit na po ang swelduhan." hindi na siya lumgingon at tumango na lamang. At bukod sa almusal, nagpapasalamat rin ako na kahit papaano nakalimutan ko saglit yung problema ko.
I'm feel nervous. Dapat kong alisin ang kaba ko. Dapat hindi ako kabahan dahil wala naman akong kasalan. Dapat siya ang kabahan at mag-isip na rin siya ng explanation. Humanda siya sa akin.
"Good morning po" bati ko kay Kuya Jano. Pilit niya pang sinisilip ang mukha ko pero agad kong tinakpan at naglakad nang mabilis. Kukulit niya lang ako.
"Good morning Janica/Good morning!" Sabay na bati sa akin nina Faye. Akala ko makakaiwas na ako.
"Wow sabay pa talaga kayo. Anong meron sabayang pagbigkas?" Pangaasar ko. Inirapan lang ako.
"Oo sabayang pagbigkas nakikisabay nga rin yang eyebags mo e." pati sa pagtawa sabay pa rin talaga sila. Nakakaasar talaga 'tong si Geraldine. Sa kanilang dalawa mas mabait si Faye. Pero pangasar rin depende sa mood.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...