Chapter 15"Bakit po ba ang ag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinablot niya bigla ang buhok ko.
Napapikit pa ako dahil sa sakit. Masakit rin ang ulo kaya mas lumala pa nangg hatakin niya ako.
"Walanghiya kang bata ka akala ko ang tino-tino mo!" Hindi ko kaintindihan ang sinasabi niya. Wala naman akong ginagawang masama. Ung ibang tao pa nga ang may ginagawa sa aking masama.
"T-tita ano po bang sinasabi niyo? Nasaaaktan po ako." binitawan na niya ako.
"Nagmamaang-maangan ka pa. Matapos ng lahat magiging katulad ka rin pala ng nanay mo!" nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang nabanggit ang nanay ko. Kahit kailan hindi niya ito nabanggit sa akin. Kahit isang impormasyon tungkol sa kanya wala akong alam.
"Ba-bakit niyo po nasabi yun? Hindi ko pa rin kayo maintindihan." lumapit siya sa akin at sinampal ako ng malakas. Namanhid na ata ang pisngi ko sa lakas ng impact.
Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Naiiyak ako sa sakit physically and emotionally. Akala ko kaya ko na ang mga pagbubunga ni Tita pero iba ung ngayon. Nakukurot niya ako dati pero ngayon lang siya naging ganto kabayolente.
"Katulad ko maagang lumandi yang nanay mo. Pero sabagay magkaiba nga kayo kasi ikaw nakagraduate ng college pero ang nanay mo kahit high school di man lang natapos." matagal ko nang gustong malaman ang tungkol sa akin pati na sa nanay ko. Pero bakit sa gantong paraan?
"Ano po bang sinasabi niyo? Pano po ako naging katulad ng nanay ko?" Tuluyan an akong umiyak. Nalilito ako sa mga sinasabi niya.
"Ma ano bang nangyayari? Nagkakagulo na naman kayo?" Kakalabas lang ni Kayla sa kwarto niya. May pasok siya ngayon. Gulat siyang napatingin sa akin."A-ate anong nangyari sa'yo?" tss ngayon ko lang ata uli siya narinig na tinawag akong ate.
"Nako Kayla tama ka talaga dapat noon pa lang pinaalis na natin 'to. Halika tulungan mo akong hakutin ang mga gamit niya." papasok na sana siya sa kwarto ko pero pinigilan siya ni Kayla.
"Ma anong sinasabi mo?" Nagtataka rin siya sa kinikilos ng mama niya.
"Aba dapat ay umalis na yan dito dun na siya mga boyfriend niya!" Sigaw sa akin ni Tita.
"Mga b-boyfriend po? P-pero wala po akong boyfriend." gusto ko pa sanang dugsungan na kakabreak nga lang namin kaso huwag na lang baka lalo pa siyang maginit sa akin.
"Hoy Janica huwag kang sinungaling may nakapagsabi sa akin na nakita kanila na may kasamang lalaki sa Night Market." napahawak pa siya sa ulo niya at nagpatuloy, "Ay ayos lang sana e kaso may nakapagsabi naman na iba ang kasama mo sa mall naman. Aba anong plano mo sa buhay?" Galaiting-galaiti na siya sa akin.
Pero sino ang nagsabi nun sa kanya? Sinong chismosa ang magsasabi ng maling impormasyon na yun?
"Tita magpapaliwanag po ako. Opo boyfriend ko po ung isa ung sa Night Market pero kakilala ko lang po ung isa. Wala po akong ginagawang masama" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ayokong maniwala sa sinasabi mo. San pa ba maiiwi yang pagb-boyfriend na yan edi sa pagkabuntis. Kaya lumayas ka dito! Ayokong magkaroon na naman ng kunsumisyon sa buhay!" hindi ko alam ang pinaghuhugutan niya. Galit na galit siya. Hindi man lang makinig sa mga sinasabi ko.
"Hindi po ako buntis Tita bakit po ganan agad ang iniisip niyo?" Napaka-assuming niya. Ni hindi nga kani nagkiss nun pano naman ako mabubuntis.
"Mas maigi na ung sigurado kaya lumayas ka dito!" Kinuha niya ang mga gamit ko at itinapon sa labas. Sinubukan ko pa siyang pigilan pero hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
In Between
RomanceThis story will soon be revised. ~~~ What will you do if you're torn between two people? Are you going to push them away? Or one of them will stay? Meet Zyrine Janica, a fresh graduate who's dreaming to have good work. She's given a chance to experi...