Menchie's POV
Wow! Ang ganda nga dito! Pa-ampon nalang kaya ako sa Tito nila?
Hey hey hey! Nagbabalik ang maganda at cute na kagaya ko. Hayst.
"Ang ganda dito." Bulong ko habang nililingid ang tingin ko kahit hindi umiikot ang ulo ko. Lupet ko noh?
Si ate Pat ang nasa kanan ng apat at si ate Revvy sa kaliwa, kami ni ate Violet ang nasa likod nila kaya hindi naman siguro masama kung isang tingin lang sa gilid ko noh?
Lilingon na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"Menchie?"
"Who?"
Ako talaga?! Bakit ako pa topic ng mag-amo na toh?
"Menchie Montenegro. She's the girl who always play with a bow."
Luh, kilala ko ito?
"You know that butler?"
"Yes, sire."
"For you to know them, they must be very good?"
Hoy.
Nilingon ko agad si ate Violet ng marinig ko sa device.
Tinaas ko ang dalawang kilay ko upang ituloy niya ngunit nag-taas lang siya ng isang kilay tsaka tumingin ulit sa harapan.
Bago kami makapasok ng tuluyan ay may bumati na mukhang butler pero mukhang servant na di ko malaman.
"Welcome, sire, Sir Eldian is waiting for you inside." Tinanguan lang siya ni Barron kaya nakapasok na kami at ang ganda! Woah!
"Wow." Rinig ko ding sambit ni ate Revvy. See?! Kahit si ate hindi mapigilang magandahan!
Wala naman ng nakatingin sa amin kaya nilibot ko na ang paningin ko ng buo upang makita ang disenyo dito sa loob.
Kulay asul ang loob pero hindi sobra, yung tama lang na maganda sa mata, pulang carpet papunta ng stage, at oohh! Ang daming chandelier dito!
Ang daming tao! Este bampira!
Speaking of it, nilibot ko ang paningin ko at nakumpirma ang iniisip ko. Halos lahat ng dumalo ay puro bampira at puro butler ang mga tao.
Isa pang napansin ko dito sa party na ito. Ang tahimik.
Bakit tahimik? Pero hayaan na, balik sa chandelier. Kada isang pasilyo o silid ay may chandelier.
Gaya ng nakikita ko na puro mukhang matatandang lalaking nag-uusap. May itsura sila kahit matatanda na lumalaban pa, impernes.
May mga butler din sa likod nila na halatang matagal ng nagsisilbi sa kanila.
Pagtingin ko naman sa kanan ko ay mga babaeng halos kasing edad ni Miss Carmilla. May mga hawak naman sila na wine at may butler din sa likod pero mukhang kasing edad naman nila.
Ang ganda tapos mukhang pinalalaki medyo ang motif. Syempre lalaki may birthday. Psh.
"Aray." Sambit ko ng may kamay na tumakip ng noo ko upang tumigil sa paglalakad.
"Bakit?" Pabulong kong tanong kay ate Violet ng makitang siya pala yon.
"Sshh." Tumango-tango ako at tiningnan ang tinitingnan din ni ate.
"Ah! There are my favorite nephews!" Isa-isa niyang niyakap ang apat at ngumiti siya. Hhmm.
Hindi naman siya mukhang wizard?
Menchie boba. Malamang, alangan namang magsuot ng wizard outfit tapos kaarawan ng pamangkin? Haler. Boba mo, selp.
"Evening, Uncle Eldian." Bati ni Reechie sa Tito nila. "How's your Mom?" Tanong ng Tito nila.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...