Violet's POV
It's almost a week since we are here.
Teka hindi ko na mabilang.
"What date is it again?" I asked Menchie while she's trying to defeat ate Revvy.
Sa totoo lang, ewan ko kung anong ginagawa nila. Basta, dahil nga Flame si ate Revvy at Air si Menchie, pinapa-apoy ni ate Revvy yung inipon nilang mga dahong tuyo, tapos si Menchie sinusubukang patayin ito.
"It's Sunday, 27th." Nag-isip pa yata siya kaya na-distract. "Ate that's not fair! Cheater!"
"There's no cheating in what I did. You just paid your whole attention to Violet who's just asking." Nairapan tuloy siya ni ate Revvy.
We are here for a matter of six days?
Tiningnan ko ang langit at kahit tanghali na, ay hindi pa din sobrang mainit dahil makulimlim naman kaya malakas ang loob namin na umupo lang ng prente sa hindi malilim.
Hinayaan ko muna sila ate Revvy at Menchie na mag-patayan at sindi ng mga dahong tuyo diyan habang inaalala ko ang mga nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw.
~Flashback~
"Paano natin gagamitin ito?" Tanong ni Menchie at tiningnan ang kanang palapulsuhan niya.
"Just use it." Sambit ni Benedict. "Eh hindi ko nga alam kaya ako nagtatanong diba." Nag-kibit balikat lang si Benedict at himala dahil wala yatang balak makipagtalo ngayon.
"Sabi ni Eldian there's two type of using the stones. The staff and the stones being injected. And you four," turo ni ate Pat sa apat na may element stones, "how about try pointing something that has something to do with the stones you have." Naguguluhan man ay sumunod sila Menchie at ginawa ito.
Sinundan ko si Benedict na papunta sa may lubog banda na lupa na may kakarampot na tubig.
"Woah!" Napalingon ako agad kay Menchie ng sumigaw siya at nakita kong tumuturo siya sa ere at may umiikot na hangin doon.
"Ate, ganito ba? Ganito??" Parang bata. Hinawakan ko ang batok ko gamit ang kaliwang kamay at inikot dahil sumakit dahil siguro kanina.
"Violet!" Tumingin naman ako kay Benedict na halos kumislap ang mata, nilapitan ko siya tsaka tumabi sa kaniya.
Gaya ni Menchie ay ginamit din niya ang hintuturo at tinuro ang tubig tsaka inangat ito ng dahan-dahan at parang kay Menchie lang ay may umangat na tubig ngunit onti lamang ito at pumorma ito ng bilog.
"I can do it now." Kulang nalang ay magkaroon ng bituin ang mata niya dahil tuwang-tuwa siya. Psh.
"Tara!" Rinig kong sambit ni ate Revvy at nakita ko siya na kasabay si Barron na tumakbo papalapit sa mga dahon.
Si Barron nalang ang lumapit at gamit din ang hintuturo niya ay tinuro niya ang mga tuyong dahon tsaka may umangat na tatlong dahon na kasing laki ng kamay ng tao at nakita ko naman si ate Revvy na parang nag-iisip at habang pababa na ang mga dahon ay tinuro ito ni ate Revvy kaya bigla itong umapoy at para itong fireball.
Bumagsak na sa lupa ang onti na natira sa dahon at napatalon sa tuwa si ate Revvy.
"How about you four?" Tanong ni Barron sa amin.
"Ewan?" Sagot ni Reechie ngunit naglakad-lakad din upang isipin siguro kung paano ang kaniya.
Lumapit si ate Pat sa isang bato na halos palad niya at si Yhaze naman ay bumuga ng hangin tsaka nilagay ang mga kamay sa batok tsaka naghanap din ng pwedeng bagay upang malaman kung paano ang kaniya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...