Chapter 17

360 13 0
                                    

Patricia's POV

Sinasabi ko na nga ba. Darating rin ang araw na toh.

Oo, babalik ang hinayupak. Tsk.

Sinigaw pa ang pangalan ko. Isip-bata ampotek! Makasigaw porke siya ang panganay at umalis na sila Senora.

Yup! Remember last night? Yung nawalan ng malay si Violet.

Ayun na nga. Back to frigging reality tayo. Shemay!

"Hoy! Ikaw?!" Sabay duro pa sa akin.

Tumingin muna ako sa likod ko kunwaring inosente peg ko! Haha.

"Ako?" And point finger on myself.

"Oo! Bakit mo ako pinalapa sa--" di na niya natapos ng mag-react agad ang mga kapatid niya. Haha!

"What?!" Yhaze.
"Saan ka pinalapa kuya?!" Reechie.
"Bakit naman?!" Benedict.

"Sa mga bakla!" Pagpatuloy niya at take note! Pasigaw pa ah.

So medyo narindi kami. Pati ang mga kasambahay nila dito, napatakip ng tainga. Legend ng mukha eh!

"Huh? Ako?" Pakunwari'y di ko alam. Pero sa loob-loob ko, kinakabahan din ako! Di ko alam ganito pala siya magalit. Nakakainis din kaya yung ginawa niya! Argh!

"Oo nga! Patay malisya ka pa!" And point his finger on me again.

Etong anim, nanonood lang sa amin.

Sila Benedict nakaupo, samantala yung mga kapatid ko, nakatayo at nagpapalipat-lipat ang mga ulo nila.

"Ginawa mo ba talaga yun ate?" Tanong ni Menchie.

"H-hin--" sumabat naman bigla si Reechie. Naman oh!

"Bakit mo naman ginawa yun?" Pagsabat ni Reechie. Putspa!

"Ka--" taena!

"Tell them!" Sabat ni Barron na namumula na sa galit. Oo!

As in literal na namumula! Kaya nga ako natatakot diba?! Kasi naman eh!

"Damn it! Why don't you guys let me explain?! Huh?!" Inis kong tanong.

Napuputol parati sinasabi ko eh!

"Ok fine" sang-ayong ng dalawa.

At humarap ako kay Barron.

"Ikaw kaya yung nauna!" Duro ko dito. "Bakit ako?!" Kaming dalawa lang ang nagsasalita- este nagsisigawan. Tuktok naman sila.

"Oo! Kase kung hindi mo ako itinali sa gubat di kita gagantihan!" Nag-react naman ang anim.

Kulang na lang popcorn at drinks eh!

"Aba! Aba! Bakit mo kase kinakausap ang mga kaibigan ko?!"

"Malamang kakausapin ko yung mga yun! Alangan namang sabihin nila na yung butler mo masungit!"

Natigilan siya sandali. Pero tumuloy pa rin sa explanation niyang nonsense. Psh.

"Oh eh bakit nga kailangan mga BAKLA pa ang iganti mo?!"

"Malay ko ba! Sila nakita ko pagkalabas ko eh!"

"Psh! Reasons! Nakakadiri kaya! Kung alam mo lang kung ano dinanas ko sa kanila!"

"Eh ako ba, tinanong mo? Ang hirap kaya nun! Muntik pa akong makagat!"

"Sana nga natuloy na eh!" Taena.

"STOP!!!!" Pagpigil nila sa amin.

"This argument is going nowhere!" Sambit ni Violet.

"You have to stop this argument!" Sabay layo sa amin ni Menchie.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon