Chapter 40

178 10 0
                                    

Violet's POV

Isa pa talaga babatukan ko na to si Menchie kahit madaling araw palang.

Dalawang beses ata nagsalita ang babaita at may bumubulong. Argh!

"Bakit iba kasama mo? Huh? Lagot ka, may iba ka pala, susumbong kita, kala ko ba si Ene---" pinapakiramdaman ko pa kung magsasalita pa siya pero hindi na. Good.

Nakatulog na din ako sa wakas.

********

"Ang aga-aga. Anong kailangan mo?" Bungad ko kay Yhaze ng magpatawag ang kumag maga-ala sais palang.

"Ano, p-pwede ba tayong lumabas?" Lumabas? Sige ba. Lalabas lang pala eh. "Lumabas? Sige." Kibit-balikat kong sagot. Yun lang pala.

"Talaga?!" At tumango ako. Anong kinae-excite niya sa paglabas?

"Tara." At nilahad ko ang kamay ko at isang kamay ay pinantakip sa bibig ng maghikab ako.

"Saan? Mamaya pa tayo, hihintayin pa natin sila Reechie." Huh? Kailangan bang sama-sama kami?

"Edi sumunod sila." At ako na ang kusang humigit sa kaniya.

"Sure ka ah?" Nakanguso siya na hindi ko malaman kung bakit. Abno na naman.

At hinila ko siya palabas ng mansion at tumigil ng nasa tapat na kami ng malaking pinto nila.

"What are we doing here?" He asked. Di niya alam?

"Diba sabi mo lumabas tayo? Eto na." I said and he pointed a deadly look on me. Ano? Mali ba?

"Hell no! This isn't what I mean! Kala ko naman naintindihan mo talaga." Nakanguso siya ng huli niyang sinabi.

"Bakit? Iba ba ibig mong sabihin?" Tanong ko. Hindi ba?

"I thought your genius. Hindi pala." Anong kinalaman ng katalinuhan dito?!

"What I mean is going on a date!" Sigaw niya at tumayo kase kanina ay nakaupo siya.

Psh, date lang pala di kase nililinaw-- ano? Ano? Pakiulit.

"W-what? D-date? Bakit naman?" Sige Violet, utal pa.

"N-nothing. Just to congratulate you for defeating the two even if it's just the start." Yun lang pala. Kala ko naman something special.

"Wala pa naman kami sa kalahati. May apat pang humahawak." Ngunit umiling siya.

"Edi k-kung ayaw mo, w-wag nalang!" At nagmartsa siya papasok na kinatawa ko tsaka ko siya sinundan.

"Ok ok, fine. Anong o-oras ba?" Haler! Mukha bang dumalo na ako sa mga date na yan?

Di ko nga alam kung anong ginagawa sa date! Dzuh.

"Mamayang hapon sana." Nahihiya siya? Why?

Tumango ako at nagpaalam na sa kwarto muna. Nasaan na ba yung isa?

"Oh, mukha kang namumutla diyan. Or, namumula?" I glared at her before she starts teasing me.

"Easy lang! Eto naman." At natawa pa si ate Pat. Kinakabahan na nga ako eh.

Dahil wala naman si Menchie, si ate Revvy nalang kakausapin ko. Teka, asan yun?

"Nasaan si ate Revvy?" Tanong ko ng mapansing wala siya dito.

"Nagpaalam sakin kanina. Mauuna na daw siya, uutusan pa yata ni Benedict." Sambit ni ate habang pinupunasan ang buhok.

Ang aga naman? Sabagay, yung isa nga diyan gisingin ka di pa tirik araw eh.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon