Violet's POV
"Maupo kayo, Lady Violet." Naupo kami at tig-isang upuan at kita kong nagkatinginan si ate Pat at ate Rev.
"Si Sorella nga pala ang aking anak." Sorella pala. Buong pangalan.
Kala ko naman Ella na, Sorella pa.
Earlier, she explained about us. Nagtanong si ate Pat kung bakit kami tinawag na Lady. Hindi pa kami nakakapasok non dahil naiintriga talaga kami.
"Mabuti talaga at dumalaw na kayo." Pinisil niya ang kamay ni ate Pat at ate Revvy.
"Oo nga Lady Patricia, ilang buwan na din simula ng mabuksan ang mansion." Ilang buwan? Pero sa loob ng labing-isang taon ay wala kaming nabalitaan tungkol sa mansyon.
Ilang buwan?
"Bakit po ilang buwan? May, iba pa po bang bumisita dito?" Naguguluhang tanong ni ate Pat.
Naguguluhang tumingin si Sorella kay Isabella. She insisted that we will call her Isabella because that's what I call her when I was a kid.
"Hindi niyo pa ba alam?" Alin?
"Ang alin po?" Tanong ni Menchie ngunit nginitian lang siya ni Isabella.
"Wala ija." Napipilitang ngumiti si Isabella kaya alam ko na agad na may mali.
"Really? Pero sana po kung may alam kayo, sabihin niyo samin." Saad ni ate Revvy.
"Revvy ija, kung pupwede lang sana ay sinabi ko agad sa inyo. Ngunit sila mismo ang nagsabi na gusto nilang kayo ang makatuklas nito." Shit. Ito na naman ang mga sandamakmak na tanong sa isip ko.
"Sino po ang nagpasabi sa inyo?" Try ni Menchie kung sasagot ba si Isabella o hindi.
"Ija, wag mo akong manipulahin." Biro ni Isabella na kinatawa ni Menchie. "Well, baka lang naman po sabihin niyo." Kamot-ulong sambit niya. Psh.
"Why can't we know it from you?" Tanong ko para naman mabawasan kahit onti ang katanungan sa isip ko.
"Dahil mas maganda ng kayo mismo ang makaalam." Sambit ni Isabella. "Sinabi po talaga sa amin na hindi kami magbabanggit hangga't hindi niyo pa po nalalaman. Patawad talaga, Lady Violet." Tumango nalang ako. I understand them.
And I'm now thinking of a way to know what they are talking about that "secret" thing. Psh!
"Hhmm, sige po. Maraming salamat po sa pag-aalaga kay Violet nung bata siya." Pagpapasalamat ni ate Pat.
Ngumiti si Isabella at mukhang naluluha. "Walang anuman, Lady Patricia. Napakalaking kagalakan na paglingkuran kayong mga bata kayo." Pinisil niya ang pisngi ko at kay ate Pat.
"Hehe." Kumamot si Menchie sa ulo ng pisilin din ang pisngi niya.
"Sige po, aahh, mauuna na po kami." Paalam ni ate Revvy ng nakangiti at niyakap si Isabella at Sorella.
"Baka po hinihintay na kami ng kasama namin." Saad pa ni Menchie.
"Siya siya, Sorella, samahan mo sila Lady Patricia pabalik ng mansyon—"
"Kyaahh! Andyan na daw sila!"
"Seryoso ba?! Nagbalik na sila?!"
"Oo daw! Nandito daw sila kay aling Isabella!"
"Sorella! Halika dito sa labas!"
"Ay! May mga pogi silang kasama!"
"Sino sila?"
"Ewan!"
Pfft.
"Patay. Sinigaw ko pa kasi kanina." Napangiwi si Sorella ngunit sumilip ako sa labas.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...