Chapter 21

385 13 0
                                    

Yhaze's POV

Tss. Magtatago na nga lang yung nahahalata ko pa. Akala naman nila hindi ko sila nararamdaman.

Nakakatawa sila. Kanina, habang naglalakad kami patungong classroom, muntik akong matawa.

Seriously? Hiding in a tree? Sinong di matatawa dun. Tsk. Pathetic.

Napansin ko yun. Kaya ako nakapikit upang pakiramdaman sila.

Oo, madami. Pero kaya ko naman.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at inaya ko na si Violet na umalis.

Tsk. Subukan ka lang nilang saktan.

*****

"Saan ba kayo galing?!" Bungad sa amin ni Pat. Tss.

"Sinundo ko nga siya." At tumabi siya kay Menchie na nakatayo sa likod ni Reechie. Sa tabi rin ni Reechie, may bakante.

And it looks like that's my seat.

"Where did you go?" Tanong naman ni kuya Benedict.

"Wala. Sa labas lang, nagpahangin." Sagot ko sa kaniya.

"Psh. Magpapahangin na nga lang sa labas pa. Di ka nalang lumapit sa kapatid mong mahangin." Bulong ni Menchie na narinig namin.

"Hoy! Sinong mahangin?!" At talagang tumayo pa si Reechie at humarap kay Menchie na inirapan lang siya. Haha.

Kawawa, siya lang ang kayang gumawa niyan sa kapatid ko.

Bugnutin kasi yan eh. Lalo na kahit biruin mo lang, nagagalit na.

Pero kay Menchie? Haha. Mukhang nag-eenjoy pa ang mokong.

Kung alam niyo lang na.. Wala!

"Good morning class." Bati ng teacher namin. Tsk.

Nababagot na tumayo ang mga students. Isa na dun si Reechie kaya nabatukan siya ni Menchie. Haha.

"What?!" Pasigaw niya. Tumikhim si Cher. "S-sorry cher." Pagpapauman-
hin ni Reechie. Ayan. Sigaw pa.

Lahat ng butler nasa likod.

Mabuti nalang di ganyan si Violet.

Kundi mapapahiya ako sa mga magiging... "Mr. Yhaze? Are you still with us?" Tanong ni Cher.

"Y-yes ma'am." At napapahiya akong tumango. Kainis na day dream toh.

"As I was saying.. blah blah blah"

May iba pang sinasabi si Ma'am pero di ko na naintindihan.

Bahala na!!

Violet's POV

Ayan. Lutang kase. Ano bang iniisip neto?

(Ano bang pake mo?)

Pwede Miss A? Manahimik? Epal ka eh. Sobra! Tsk.

"Okay! Butlers, you may go wherever you want in this part of school. But what I said earlier, you must come here in just one call. Gets?" Tumango kami at lalabas na.

Pumila kami. "Ate, saan ka?" Bulong na tanong ni Menchie habang papalabas kami.

"Library." Sagot ko. "Ikaw?" Tanong ko ng makalabas na kami ng classroom.

"Dun den. Naputol tulog ko eh, hehe." Napairap na lang ako sa hangin.

Talagang itutuloy niya ang tulog niya eh nuh? "Wag na!" Kunot-noong sambit ko. Kumunot din ang noo niya.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon