Chapter 54

71 4 0
                                    

Menchie's POV

Good morning ebribadi!

Nakita kong lahat ng kasama ko ay mga tulog pa at... Hohoho! I like what I see right now!

Sigurado ay masarap ang tulog ni ate Violet! Kyaaahh!

Gusto kong tumili dahil sa nakikita ko! Nakayapos ang lolo niyo kay ate Violet at sobrang lapit ng mukha nila!

Naghikab ako at tumayo na upang tumingin sa labas kung kita ba ang sunrise. Hanep kasing mga bow users na yun! Kung sino man sila!

Ang tatanga nilang pumana! Gusto ko na silang lapitan at turuan kung paano ang tamang pag-asinta, kaso baka mamatay kami. Hihi.

Akala ko ay mabobobo na ako dahil sa nakita kong pagpana nila kagabi.

Na-miss ko tuloy bigla yung bow and quiver na iniwan ko sa lugar kung saan kami nag-training.

Lahat ng magtatapos sa pagte-training nun, ay may kailangang iwan na kahit anong gamit para palatandaan.

Ilang minuto lang yata akong nakatayo sa labas ng magliliwanag na ay di ko naman nakita ang sunrise. Anubayan. Yamot.

Nakasimangot tuloy akong bumalik sa loob na medyo madilim pa.

Huh? Nawala na si Yhaze? Hindi na niya katabi si ate Violet. Sayang.

Nagising na ang lahat at kumakain kami ng lapitan ako ni Yhaze.

"Ano yun?" May ngisi ako sa labi nang nakataas kilay siyang nakatingin sakin.

"Seal your lips about what you saw." Seryosong sambit niya at umayos ako ng tayo at sumaludo pa. Hehehe.

"Aye aye, Sir Yhaze!"

"Good." Yun lang at bumalik na siya kay ate Violet.

I didn't know, Yhaze is a softie. Pfft.

Nakita kong lalapitan sana ako ni ate Violet ng makita niya si ate Revvy at siya ang nilapitan kaya ngumuso ako.

Ano kayang sasabihin ni ate? "Don't pout. You look like a duck. Eksaktong green pa ang buhok mo." Sinamaan ko ng tingin si Benedict. Gago.

"Subukan mong gatungan." Banta ko kay Reechie dahil magkatabi lang sila ng kapatid niyang kumag na tawa ng tawa.

"Mabulunan ka sana!" At parang mahika ay nabulunan siya. Haha! Kala mo, buti nga sayo.

Lumayo ako sa kanila dahil maagang-maaga ay naiinis ako. It's my month okay! I need to start this with good vibes. Yeah.

Lumapit na ako kila ate Violet at ate Revvy at narinig ko ang huling tanong ni ate Violet.

"Ano bang tawag dun?" Tanong ni ate Violet na parang nahihiya pang magtanong.

"It's called, cuddle. In case you don't know." Sambit ko at parang nagulat silang tumingin sakin.

"Bakit, Violet? Nasubukan mo na yun?" Gusto kong sumagot at ilaglag si ate pero naalala ko sinabi ni Yhaze.

Welp, kaya nanahimik nalang ako at sumagot si ate Violet na hindi pa daw. Nautal nga lang.

Mabilis ang kilos namin at agad kaming nakalabas ng kakahuyan.

Pesteng yon! Kala ko mapuputol na talaga ng tuluyan ang buhok ko.

"Nakanguso ka na naman diyan?" Sambit ni Reechie habang sinusundan namin ang binigay na mapa ni Shawn.

Seriously, Shawn? Mapa talaga? Wala bang mas aayos? Para kaming makalumang manlalakbay. Psh.

"Wala. Akala ko kasi mapuputol na buhok ko dun." Sagot ko at tinabihan si ate Violet dahil di ko ramdam na pansinin ngayon si Reechie.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon