Chapter 66

137 6 14
                                    

Revvy's POV

"Magandang umaga mga magaganda!" Daglian ko sanang hahablutin ang unan ko sa paanan ng may demonyita na humatak agad nun.

"Ah no no no! Oras na para ho gumising mga ineng! Ano na? Oo nga nagpapahinga tayo pero abuso kayo!" Narinig ko nag-aray si ate Pat at si Violet. "Aray!"

Napatayo agad ako at hinanap ng mata ko si Menchie. Bwisit!

"Anoba! Umagang-umaga!" Sigaw ko agad. Nagkusot ako ng mata dahil umagang-umaga at bukas na bukas ang mga kurtina dito na nagtatakip sa mga bintana upang di kami masilawan.

"Tss, aga-aga kasi mambulabog." Nagulat ako dahil akala ko guni-guni ko lang na si Violet talaga yon.

Agad akong tumingin sa baba ko. "Violet? Anong oras ka nakauwi?" Tanong ko sa kaniya at nakakunot noo naman siyang tumingin sakin.

"Si ate naman parang ang layo ng pinunta ko. Dito din naman ako nakatira ah." Napakamot ulo ako dahil tama nga siya.

Tsaka mas dumagdag pagka-sarkastiko niya. Halatang maganda ang umaga kapag ganyan.

"Si ate Revvy, kulang pa sa tulog! Tulog ka muna." Agad akong napatingin kay Menchie na naka-indian seat sa higaan ko.

"Tibay mo ha? Pagkatapos mo akong hampasin at gisingin sasabihin mong matulog ulit ako?" Tinawanan niya lang ang pagka-sarkastiko ko. Psh.

"Sabi kasi sa inyo wag niyo ako patutulugin dito eh." Sabay nguso niya kaya nagsalita naman si ate Pat.

"Psh, sino ba kasing nagsabi na diyan ka matulog? At bakit uto-uto ka din na sumunod?" Wow. Talas ng dila ngayon ni ate Pat ah. Nyare?

"Aray ate! Hinasa mo na ba dila mo? Ang talas! Tsaka si ate Revvy nagsabi palit daw kami!" Sisi niya sa akin kaya napalingon naman sa akin si ate Pat.

"Hoy, binabalik ko lang ang pwesto natin. Diyan ka talaga wag kang ano." Sambit ko dahil baka saksakin din ako ng matalas na dila ni ate.

"Ikaw pala eh." Sabay na sabi ni ate Pat at Violet. Pfft. Kawawa ka ngayon.

"Huh! Kaya mo lang ako pinabalik dito kasi nag-amoy Benedict itong kama kaya—" tumalon agad ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang orihinal na unan ko at tinakip sa mukha niya.

"Revvy! Pagsalitain mo ang kapatid mo!" Napanguso ako at may pahabol na kurot kay Menchie dahil apaka daldal! Aish!

"So, totoo nga? Si Benedict talaga yong tao nung gabing yon?" Napukaw niyon si Violet na kanina ay naghihikab ngayon ay umupo na sa tabi ni Menchie.

"Talaga? Si Benedict yon? May narinig din akong lalaking boses pero, akala ko si Menchie dahil siya ang panay ang salita." Ayan na nga. Nakisali na din si Violet.

"FYI, bampira. Hindi tao." Umirap si Menchie sa sinabi ko. "Ganun din yon!" Psh.

"Eh ano namang ginagawa ni Benedict dito nang oras na yon?" Taas kilay na tanong ni ate Pat kaya bumuntong hininga ako at sinabi ang dahilan na tinutulungan niya ako kahit hindi ko naman kailangan.

"Wow ha. Nagkaroon ka ng panandaliang taga-ayos mo!" Natatawang reak ni Menchie.

"Sino nga bang mag-aakalang marunong si Benedict sa ganoong pambabaeng gawa?" Natatawang sambit din ni Violet.

"Oo nga." Sang-ayon ni ate Pat na pinaka malakas ang tawa.

Napailing nalang kami ng may maalala ako. "Ikaw, anong oras ka nakabalik?" Tanong ko kay Violet at nalipat sa kaniya ang atensyon.

"Madaling araw?" Patanong ding sagot niya.

"Bakit naman bumalik ka pa, pwede namang buong gabi ka na dun— aray!" Napakamot siya sa ulo niya ng batukan ko siya.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon