Violet's POV
"Ano ba yan, Violet? Kanina ka pa nakanguso." Lalo akong napanguso ng marinig ang sinabi ni ate Revvy.
Hindi ako umimik dahil ayoko din namang palakihin pa ang problema ko na di na din nila dapat pang problemahin.
"Hoy, anong problema mo diyan?" Ingos ni ate Revvy sa akin.
Napabuntong hininga ako at pumikit tsaka umiling. They really know me well.
"Wala, ate. Napagod lang ako." Agad bumakas ang pag-aalala sa mukha ni ate Pat.
"Teka, hindi pa din ba sapat ang tulog mo kanina? Nakakain ka na naman na diba? O gutom ka pa ulit? Sige, matulog ka ulit." Ang daming tanong, wala pa akong masagot.
Natatawang inalis ko ang kamay ni ate Pat sa balikat ko dahil akmang ihihiga niya ako upang matulog.
"Hindi na, ate Pat. Sapat na ang tulog ko." Paliwanag ko ngunit parang hindi naman siya naniniwala.
"Totoo ba yan? Baka naman kunwari maayos ka, pero inaapoy ka na pala sa lagnat." Napangiwi ako ng maramdaman ang pagka-sarkastiko sa sinambit ni ate Pat.
"Kailangan kasi nating manalo dun. Tsaka, I'm all fine now!" Sabay pakita ko muli ng braso ko at wala ng sugat o kahit anong galos doon.
Gumaling din ang mga sugat at pasa ko habang nandoon kami sa bahay slash mansyon ng mga Mythicals.
Magsasalita pa sana si ate Pat ng bumukas ang pinto at lumantad sa amin ang katawang lupa ng kapatid kong may saltik din. Psh.
"Hay nako mga ate's! Parang hindi pa kayo nasanay diyan kay ate Violet!" Sinara niya ng malakas ang pinto at umupo doon sa kama niya.
"Paanong magsasalita yan, eh isa ding pipi yan sa totoong nararamdaman!" Umaaksyon pa ang kamay niya habang nagsasalita.
"Nagsalita ang hindi nagtatago." May sarkasmong sagot ko sa sinabi niya. "Huh! Di na noh, honest na ako." Sabay taas niya ng kanang kamay.
"Eh paano mo naman mapapaamin yan? Psh." Tanong ni ate Revvy at ngumiti si Menchie.
"Easy lang yan. Magtatanong ka. Be specific." Sabay patunog niya ng kaniyang daliri. Psh.
"Specification is needed. No bobo allowed. Ok, KABSS." Naguluhan kami sa pinagsasabi ng babaeng siraulong toh. Aning?
"Menchie, akala ko ba no bobo allowed? Bakit mo ginagawa?" May sarkasmong sambit ni ate Revvy na kinatawa ni Menchie na parang baliw. Psh, masyadong happy.
"Sira! Ganito yan. Ehem." Umayos siya ng upo at nagpan-dekwatrong upo at tumikhim.
"K stands for, Kailan? Kailan mo pa naiisip ang isipin mo hanggang ngayon? A stands for, Ano? Ano iyang iniisip mo? B stands for, Bakit? Bakit mo iniisip yan? Mahalaga ba yan? S stands for, Saan? Saan mo nalamang may naiisip ka palang ganyan? At huli ay, another S stands for, Sino? Sino yang iniisip mo?" Shems.
Hindi ako nakapagsalita. Oo na, Sino ang iniisip ko at hindi Kailan, Ano, Bakit at lalong hindi Saan.
Ilang minuto ang namutawi sa amin kaya unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi ng nakababatang kapatid ko.
"Aha! Sabi na eh! 'Sino' na naman yan eh!" Sabay tawa niya ng malakas kaya nakatanggap siya ng batok kay ate Revvy.
"Aray! Ate naman!"
"Kung binubulong mo sa amin kung ano yon?" Asar na sagot ni ate Rev.
"Fine!" Menchie said and looks like she doesn't have any choice. "Iniisip niya si Yhaze! Hohohoho!" Ano?! Manghuhula ka— psh!
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampirMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...