Violet's POV
"Kayo na?"
Lumingon silang dalawa sa akin at iniba ko ang ekspresyon ng mukha ko.
Galing sa pagkalito at pagtataka, ginawa ko na itong walang kaemo-emosyon.
"Ate..." Halos bulong nalang kung sabihin iyon ni Menchie. Psh.
"Menchie isang tanong, isang sagot. Kayo na?" Paulit-ulit ako sa tanong ko.
Bakit nga ba? Narinig ko na mismo. Narinig ko lahat-lahat. Hindi ko ginustong makinig, hahanapin ko lang sana si Menchie upang kumain na kami. Sino bang mag-aakalang ito ang madadatnan ko?
Sana nga, sana talaga mali lang ang narinig ko. "Wait, tell me that I heard it wrong? Just, convince me even if it's a lie. Please, Chie?" I said and she just lowered her head. No.
"You heard it right." Sambit ni Reechie pero hindi ako nakinig sa kaniya. Si Menchie ang gusto kong magsabi, hindi siya. Tanga lang?
Umiling si Menchie kaya napangiti ako ng mapait. "So, kayo nga?"
Ilang minuto ang lumipas. Oo, hinahayaan ko siyang maghanap ng alibi niya. Sige na, Chie, itanggi mo nalang.
"Kayo. Ba? Menchie?" Tanong ko ulit pero diniinan ko bawat salita. Paunti-unti ay tumango siya.
Naihilamos ko nalang ang mukha ko at napa-frustrate na bumuga ng hininga.
"Bakit?" Tanong ko na ng nakabawi ako. Nanatili pa din siyang nakayuko at kada lumilipas na segundo ay naiinis na ako.
Pakiramdam ko kapag hindi pa siya magsasalita ay ako na mismo ang huhula sa lahat. Please naman, Menchie. Ayokong.magalit.
"Menchie—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumingit si Reechie na nakakunot noo.
"Teka naman, Violet. Bakit parang sa pananalita mo luging-lugi pa kayo sa akin?" Napairap nalang ako ng nakayuko ako at nag-angat ako ng tingin at sumagot.
"Hindi naman ganun yun, Reechie. Pogi ka naman, bagay na bagay nga kayo ng kapatid ko." Napabuntong hininga ako at nakita kong may dumaan na galit sa mata niya.
"What? Is it about the rank again? That I'm an Eisenhower, you guys are Montenegro?" Naihilamos ko ulit ang palad ko sa mukha.
"Hindi mo naiintindihan." Sambit ko at nakatingin na ako ngayon sa labas dahil ayokong magpadala sa inis.
"Kaya nga! Papaano ko maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi? I'm a fast learner, Violet." Seryosong sambit niya habang ilang beses na akong humihinga ng malalim.
Walang emosyon akong humarap kay Menchie. "You better tell this to ate."
Ikinagulat niya yon at nag-angat ng tingin sa akin. "B-bakit ate? Pwede bang sa i-ibang araw nalang?" Naipikit ko ang mata ko dahil nararamdaman kong namumuo na ang inis ko.
"Ako nalang ang magsasabi gusto mo? Wag kang mag-alala, sasabihin ko ng walang labis at walang kulang." May sarkastikong sabi ko.
Tatalikod na ako ng magsalita siya. "Bakit ka ganyan, ate? Where's my sister that is my partner in crime?" She said and even if I don't look at her, I know she's crying already.
Pinigilan kong sampalin ang sarili ko ng lumingon ako at nakitang humihikbi si Menchie. Tangina ka, Violet!
"Bago mo tanungin kung nasaan na yung Violet na ka-partner in crime mo, pakitanong muna kung nasaan na yung Menchie na kapatid ko, na hindi padalos-dalos kung mag-desisyon." Tama na. Ako lang din naman ang nasasaktan. Napakatanga mong ate, Violet!
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampirosMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...