Violet's POV
I won! I won against the Lower and Higher Legend! I really did!
"Stay still. Ginulo mo na naman ang gasa mo." Pinaupo ako ni Yhaze ng may makita siyang malaking bato at pinasandal ako habang kinuha kay Menchie ang bag ko na may lamang kung ano-ano.
"You look tired." He said in the middle of being quiet earlier.
"Oh, are you talking to me?" I said with a hint of sarcasm.
"Sino bang kaharap ko? Itong bato?" Yhaze said with pure sarcasm and arch a brow on me. Huh.
Siya pa may ganang magsungit sakin!
"Bakit? Kaharap mo lang ba pwede mong kausapin? Hindi diba?" Ibinalik ko sa kaniya ang sarkastiko niya.
"Hindi. Pero bastos naman kung kakausapin mo siya pero nakatalikod ka, hindi ba?" At tinapon niya sakin ang sarkasmo pabalik.
"Oo, bastos kung kakausapin mo ng nakatalikod. Pero tinutukoy ko na pwede-- aah! Aray, masakit! Gusto mo kotong?!" Sambit ko na parang maiiyak dahil ang hapdi ng idiin niya sa sugat at pasa ko.
"Try to talk sarcasm and I will really shower your wound with this." Matalim niya kong tiningnan at sabay turo niya sa tubig na may kung ano-anong pampagaling ng sugat.
Ang hapdi! Ibuhos ko kaya sa mata niya yan?! Ang sakit-sakit ih.
"Nye nye nye nye nye." Panggagaya ko sa boses niya kanina.
"Isa..." Banta niya habang dumidilim na ang mukha. "Dalawa tatlo apat lima. I can count number, idiot." At inirapan ko siya at sumandal nalang sa bato sa likod ko.
Agad nawala ang inis at kasabay din ay nanumbalik ang inis ko dahil sa nangyari kanina.
~Flashback~
"Can Menchie fight?" Mau asked and I said no even if Menchie said yes.
Naka-hindi na ako. Tsaka baka malagay lang sa panganib si Menchie kapag sinubukan niyang lumaban ngayon.
"Why? Kaya ko na." At tumayo si Menchie at lumakad papalapit sa amin.
Tanghaling tapat, ngunit di masyadong kita ang araw sapagkat natatakpan ito ng nagkakapalang ulap
It's now autumn, huh?
Nakita kong pumunta si ate Revvy sa likod ni Menchie at pinitik ang tuhod ni Menchie kaya nawalan siya ng balanse kaya sinalo agad ni ate Revvy.
"Kaya pala ha." May sarkasmong sagot ni ate Revvy kaya ngumuso nalang si Menchie at pumayag na si ate Revvy nalang ang papalit sa kaniya.
"We have two badge on our side, and you have to win to get the badge. Gets?" Simpleng sabi lang ni Mau at nakita kong may binigay sa kaniya si Ven na tinanggap niya.
Ano yun?
Nakita kong inayos niya ang buhok niya at... Tinali? Deym.
Pati si Ven ay nagtali na din ng kaniyang buhok na simple lang.
Hindi naman mahaba ang buhok nila, pero sadyang makapal ito.
They look hot on their hairstyle. Tsk. Focus, Violet.
'Ano ate, nagagwapuhan ka na naman?'
Si Menchie yun na nagtanong kay ate Revvy at ng sumulyap ako sa dalawa ay nakangisi na si Menchie at nakatingin ng masama si ate Revvy kay babaita.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...