Menchie's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang matalo namin ang Mythicals. Well, pwera sa isa na binigay kay ate Violet ng libre ang Top 5 daw.
Maayos-ayos na ako, kasi nakapagpahinga naman ako ng isang araw non. Etong si ate Violet ang inaalala namin.
She fought for straight three days.
Mabuti nga bumaba din ang lagnat niya nung mismong araw na natapos ang laban.
Dito pa din kami tumutuloy sa bahay slash mansyon ng Mythicals. Ayaw daw nila kaming pauwiin hangga't hindi magaling ang ilang sugat at pasa namin.
Pababa na kaming apat upang kumain ng makasalubong namin sa pagbaba si Yhaze at Reechie.
Agad kumindat sa akin si Reechie pero inirapan ko siya. Psh!
Wala na! Kinikilig na naman ako. Tsk.
Walang naging reaksyon si Yhaze. "Y-Yhaze, may—" hindi natuloy ang sasabihin ni ate Violet ng bumilis ang paglalakad ni Yhaze pababa.
Nilingon ko sila ate at nakitang lahat sila ay nakatingin kay ate Violet na nakatungo. Psh, isa pa Yhaze ha, bibigwasan na kitang kumag ka.
"So, kailan tayo uuwi?" Pagbasag ni Benedict sa katahimikan na kanina pa namumutawi sa dining.
"Baka sa susunod na linggo." Sagot ni ate Pat. "Susunod na linggo?" Tanong ulit ni Benedict. Slow ka teh?
"Hhmm." Sagot ni ate Revvy habang tumatango-tango pa.
Bigla ulit namayani ang katahimikan dahil natapos na ang binuksang topic kanina ni Benedict.
Lahat yata ay apektado dahil sa hindi pagpapansinan ni ate Violet tsaka ni Yhaze.
Eto rin kasing lalaking ito, pabebe. Mas malala pa kay ate!
Babae sumusuyo, pero yung lalaki tinotoyo!
Imba ka din talaga Yhaze. Apaka.
"Violet, masarap ba yan?" Biglang tanong ni Benedict. Nilingon siya ni ate Violet tsaka ngumiti at kinuha yung katapat ni ate na ulam at binigay kay Benedict at nagpasalamat siya.
Nagulat ako at lahat kami ay napatingin ng tumayo si Yhaze kahit hindi pa tapos kumain at walang sabi-sabing umalis nalang.
"What just happened?" Tanong ni ate Pat. "Ugh, you just made it worse!" Sisi ni ate Revvy at pinalo gamit ang kutsara niya ang kamay ni Benedict.
"Aray! Anong ako? Nagtanong lang naman!" Defend ni Benedict sa sarili. Inirapan nalang siya ni ate Revvy.
Nakita kong tumungo ang katabi ko, si ate Violet. Nakuuuuu Yhaze! Papaluin na kita eh.
Kumain nalang kami at diretso kaming bumalik sa kwarto naming apat.
Pinaghiwalay na kami ng kwarto since linis na nila ang kwartong ginagamit namin ngayon.
Speaking of them, balik sa pag-eensayo sila Fyure. Bakit pa sila nagpa-practice? They're strong enough to handle themselves.
Kaya pala sila agad natalo kasi galing silang prac noon. Hmmp. Akala ko pa naman sobrang galing ko na. Chos.
*****
10 days had passed and we always do the usual.
Maybe we can go home by tomorrow.
Umaga na at agad akong bumangon upang hanapin si Reechie.
Just gonna tell something important.
"Hoy, para kang baliw diyan." Agad kong sinamaan ng tingin si Benedict na halatang kakagising lang din dahil nagkukusot pa ng mata at nag-aayos ng buhok. Psh.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...