Chapter 72

60 3 0
                                    

Violet's POV

"Pat... Oi, gising kayo."

Mmm, ingay naman. Ang gulo pa.

"Patricia, gising na."

Tsk. Isa pa.

"Pat, katabi mo ba si Kuya Barron?"

"ARAYYYY!"

"Owwww!"

"Shittt!"

Ewan ko kung sino pa yong dalawang kasabay ko sa pag-oww pero pakiramdam ko si ate Revvy at Menchie yon.

Psh! Sino ba kasi yon?! Sakit ha!

"Ano ba, Reechie! Nakakagulat ka!" May tumunog na parang papel na hinampas sa lamesa.

"Aray, Pat! Bakit ba!" Kakamot-kamot ako sa gilid ng noo ko ng nilingon ko si Reechie at namumula ang kaliwang braso niya.

"Anong bakit ba?! Nakakagulat ka kaya! Sabihin ba naman yong ganon!" Hinampas din yata ni ate Pat ang mukha niya. Namumula kasi.

"Ayaw niyo kasing gumising. Kanina pa ko dito. Magsa-sampung minuto na ako. Sakit ah!" Nakangusong sambit niya at hinimas ang kaliwang braso niya na hinampas ni ate Pat.

Hindi pa nakaka-dalawang minuto ng may sumigaw na naman.

"Aahh! Ang sakit ng noo ko!" Sumbong ni Menchie kay ate Pat.

"Ate naman! Bakit ka tumatayo bigla?! Alam mong nakakandong ako sayo!" Naluluhang sabi ni Menchie.

"Sino ba kasing nagsabing kumandong ka? Psh, sakit ha."

"Kahit na." Ngusong sagot niya at luminga at, "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kumag ka!" Pfft. Sisihin daw ba si Reechie sa pagkakakandong niya kay ate Pat.

"Anong ako?!" Depensa agad ni Reechie sa sarili niya.

"Ikaw ang hudas na gumising kay ate Pat!" With matching pointing fingers pa yan ni Menchie.

"Bakit ako sinisi mo? Ako ba nag-utos na kumandong ka?"

"Kahit na! Ikaw naman yung nagsabi ng, 'Pat katabi mo si' blah blah blah!"

"Because you really need to wake up!"

"Wake up mo mukha mo! Edi sana tinapik mo ng marahan si ate para gisingin!"

"I did that but you thinked it worked?!"

"Aba malay ko! Bakit ka sakin magtatanong, gising ba ko kanina?!"

"Kaya nga hindi diba! Malay ko bang magugulat ng ganun si Pat!"

"Kita mo toh?! Ha?! Ang sakit ng buong noo ko! Magkabilang balikat ni ate Pat may nakasandal tapos sakin pa bumagsak diba!"

Aba, sinisisi ba niya kami?

Patuloy lang sila sa bangayan nila habang hinihilot ko ang kaliwang sintido ko.

"Ang sakit, bwisit itong si Reechie." Inis na sambit ni ate Revvy.

"Teka! Kanina lang okay tayo, binigyan pa kita ng pagkain tapos aawayin mo na ko ngayon??"

Ayan na naman sila.

Pag-umpugin ko nalang kaya itong dalawa para tumahimik na?

"Kanina lang yon!"

"Oh! Porke kanina lang yon, kanina ka lang din mabait??"

"Yung pagkain, naubos ko na! Ito bang noo ko kapag nagkabukol, mawawala ba sa katawan ko ng isang araw lang?!"

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon