Patricia's POV
"I'm left here again." Sambit ko sa sarili dahil paggising ko ay wala na naman ang tatlo kong kapatid.
Kahit si Kuya Wendel wala din!
Hmmp, mga batang to talaga. Kung maaga ako nagising, mas maaga silang gumising.
Is this a coincidence or what?
Kaninang alas singko ng umaga ay gising na ko kaya nag-ikot ako sa mansyon para hanapin silang tatlo pero nawawala din pala yung tatlong kumag.
Kaya hanggang ngayon, alas syete mahigit na ay nakatitig lang ako sa kawalan dito sa bintana ng kwarto namin.
Ano bang pwedeng gawin?
Aha, maglilinis nalang ako. Nakakahiya naman kasi sa mga kapatid kong sobrang linis at napakaaga umalis.
Sinimulan ko munang i-akyat ang mga unan ni Revvy at Violet sa double deck namin ni Menchie para hindi ma-alikabukan.
Sunod ay tinanggal ko na din ang mga sapin at tsaka nagsimulang mag-walis, mag-mop at magpunas ng mga alikabok dito sa kwarto.
Binalik ko na ang mga bagay-bagay pabalik sa dating pwesto nito at natapos din na halos maga-alas otso na.
A perfect way to pass the time.
Pero isang oras lang yun e. Ano pa ba?
"Maybe a—" ni hindi pa ko tapos sa sasabihin ko na naisip ko ng may tumapik ng balikat ko kaya napatalon ako sa gulat.
Kingina! "Ano ba! Ang aga-aga may sapi ka na naman!" Naiinis na turan ko kay Reechie.
Parang baliw amp, susulpot nalang tapos mangangalabit pa.
Di yata to nakainom ng gamot niya.
"Eto naman, galit na galit? Chill." Napairap ako sa sinabi niya na pa-cool pa. May amats nga to.
"Bakit ba kasi? Tsaka saan kayo galing? Nasaan yung tatlo? Saan ba kasi kayo nagpupunta—" Hindi pa ako tapos ng pahintuin niya ko sa pagsasalita.
"Chill chill chill, Pat! I-kalma mo. Isa lang ako oh, mahina kalaban." Psh, dami nitong say.
Saksakan ko to ng mop sa lalamunan.
"Kasama namin ni kuya Yhaze si Revvy tapos si kuya Benedict, Violet at Menchie naman magkakasama. They're inspecting in the city and villages if ever there's some enemies that already exploited here." I almost forgot the fact that Thyone can also be smart. Mga minions niya lang ang bonak.
"While the three of us are finding some whatever we can find. I don't know, evidence?" He shrugged like he really doesn't know.
How can you find something you don't know what you're finding?
"Bat di kayo nangsasama?" Tanong ko ng nakataas kilay.
"Paano ka isasama kung tulog mantika ka pa." Sagot niya ng naka-krus ang mga braso. Aba!
"Hoy, for your information, hindi ako tulog mantika." Sambit ko at ngumisi lang siya.
"Oo nalang, Patricia." Aba aba, anong sininghot nito at parang adik ngayon?
Lagi naman silang may pagka-kumag pero iba eh.
"Anyways, I came here for a purpose. Tara na bago pa ko iwan ng mga kasama ko." Sila Revvy at Yhaze? Saan naman sila pupunta?
"Hindi pa kayo tapos?" Tanong ko habang naglalakad kami sa kaliwang pasilyo.
"Nope. I don't think we're even closing to being finished. Wala pa kaming nahahanap na solid ibigay na impormasyon. Those two doesn't want to go home empty-handed. Tataas ng pride!" Psh, syempre mataas talaga pride ng dalawang yon.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampireMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...