Chapter 77

96 1 3
                                    

Revvy's POV

Nakusot ko ang mga mata ko ng matamaan ito ng sikat ng araw.

"Anong oras na..." Tanong ko sa sarili ko at bumangon sa pagkakahiga ko.

As usual, we just always sleep on layers of leaves of banana. Hindi din kami natutulog ng mahaba, Eldian said that the rate of danger here is much higher.

We always sleep like 1 hour and a half or 2 hours. It's a blessing kung makakatulog kami ng 3-4 hours without getting interrupted of any creatures here.

Minsan daw ay may nakakapasok ng bakuran or training ground niya ng hindi niya nalalaman.

Oo nga pala, itong kinalalagyan namin ngayon ay yung dati lang din na kinalagyan namin ng anim na araw. Kumbaga sa isang kwarto, hindi pa ito nalilinis dahil may mga kalat o iba-ibang hayop pa dito.

"Gising ka na?" Nakatingin pa din ako sa labas ngunit alam kong si Benedict itong nagtanong.

Psh, aayusin ko na nga ang sagot ko. Gusto ko sanang isagot, "hindi. Dilat na mata ko pero tulog pa ko." Pero napapagod na akong makipagtalo sa lalaking toh.

"Oo." Hinarap ko na siya at kita ko na magulo pa ang buhok niya ngunit bagay sa kaniya.

"Pogi ko noh?" Umagang-umaga ay napairap agad ako sa kahanginan niya. Taena.

"Sinong nagsabi?" Tanong ko at tiningnan siya ng nandidiri. Siraulo, kala mo totoo.

"Si Mommy." Huh, naniwala naman siya?

"Minsan kasi kailangang magsinungaling ng mga magulang para hindi masaktan ang anak nila." Sambit ko at bumalik na muli sa tinayo naming silungan gamit ang mga straw na nakita namin.

Lahat sila ay nakabangon na ngunit nakatulala pa din.

"Si Violet?" Tanong ko agad kay Menchie dahil sila ni Yhaze lang ang wala dito.

"Lumabas yata kanina. Ewan ko." Naghihikab niyang sagot at niyakap ang ate niya.

Sasabihin ko na sana kay Benedict na hanapin ang dalawa ng pumasok si Violet na nagkakamot at si Yhaze na humihikab. San galing tong dalawa?

"San naman kayo galing?" Tanong ko. "We saw a lake nearby. I think we can go wash there." Sambit ni Violet.

"Really? Finally! A full bath after three weeks!" Magi-isang buwan na yata kaming kuskos lang ng katawan at hindi pa yata nababasa ang buhok namin. Psh.

If we can't sleep peacefully at night or should I say, midnight, paano pa kami makakaligo? Kung sa sampung segundo na pabayaan namin ang sarili namin na magpahinga ay parang dadakmain kami dito.

"Still don't let your guards down." Paalala ni ate Pat. "Aye aye!" Sambit ni Menchie at Reechie. Tsk, bagay talaga tong dalawang ito.

Nauna na kaming apat dahil mauuna kaming maligo. Alangan namang magsabay-sabay kami. Dzuh.

"Ay, ang lamig ng tubig." Sambit ni Menchie ng ilublob niya ang dalawang paa niya sa tubig.

"Isa, Benedict! Kapag nanti-trip ka ha!" Sigaw ni Menchie dahil ng isang beses na nadumihan si Menchie dahil sa unggoy na humabol sa kaniya pabalik dito, ay kailangan niyang magbanlaw.

Kaso biglang lumamig sa natural na lamig ang tubig. Tapos si Benedict pala yon na malakas ang tama at unti-unting nilalagyan ng yelo ang tubig. Psh.

"Ako na naman?! Wala nga kong ginagawa!" Sigaw ni Benedict. Mabuti at rinig pa rin kahit malayo.

"Wag ka ng maingay." Sambit ko dahil nakakarindi. Habang hinihimas ko ang ko tenga ay nilublob ko na din ang paa sa tubig tsaka nilagay sa tubig ang kaliwang kamay ko.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon