Violet's POV
Hayst. First day of school na nila. At, kasama kami. Dahil butler kami.
"Ate! Asan medyas ko?" Tanong ni Menchie kay ate Pat. Naku naman.
"Ang laki mo na! Medyas lang di mo pa alam?" Inis na tanong ni Ate Pat.
Kanina pa kasi si Menchie tanong ng tanong ng gamit niya.
Burara. "Eto!" Bato ni ate Revvy sa medyas niya. Sapul sa mukha.
"Arat na! Arat na!" Sambit ko at tumayo. Ala singko pa lamang ng umaga pero bihis na kami.
Alas otso pa pasok nila. Parang sa tao, pribado ang eskwela.
"Maaga pa ah?" Tanong ni Herith paglabas ko ng kwarto.
Nagulat ako kasi siya agad sumalubong sa akin.
(Paano yung gulat?)
Luh? Wag ka nga! "Baka kasi utusan kami nila Yhaze." Pormal kong sagot.
"Ah. Sige, gising na sila. Pagbihisin niyo na lamang"
"Sige." Aalis na ako ng tawagin ulit niya ako. "Violet!" Lumingon ako.
"Bakit po?" Oo. Kasi nga mas matanda siya sa akin. Hahaha.
"Baka mahirapan si Menchie kay Reechie kapag pagbihisin siya ha." At umalis na siya at muling naglibot.
Muli akong bumalik sa silid at sinabi kay Menchie ang sinabi sakin ni Herith. "Huh? Baket daw?"
"Ewan ko eh. Arat na!" Yaya ko at sabay kaming apat na lumabas.
*****
"Your 2 minutes. Late." Daming arte neto. Kala mo nagising agad.
"Saglit kasi. Kinausap ako ni Herith--" di ko pa natatapos ng mag-react agad siya. OA nun ah!
"Hah?! Bakit?! I told you don't talk to him!" Arte eh. Ibilad kita diyan sa araw. Tingnan mo.
"Sinabihan niya ako tungkol kay Reechie! Na mahirap siyang pagbihisin!" At umirap ako sa hangin.
"P-pasensya na... Get my uniform." Utos niya na agad. Tss.
"Oh." Abot ko dito ng makita ko ito sa walk-in closet niya.
"Suot mo sa akin." Utos niya habang nakaupo pa sa kama niya.
Nubayan! Napakaarte eh! "Ikaw na!" Mahina kong sambit pero naiirita ko.
"Saglit, maliligo ako." At yun. Lumayas na siya sa harap ko at pumasok ng banyo niya. Phew.
After 20 minutes! Diba? Mas matagal pa sa akin. Ako inaabot ako ng ganyan kapag trip ko. Hehehe.
Pero, ilang minuto lang, tapos na ako!
Tapos na ang pagkuskos, kusot ng buhok, pati sipilyo!
Ok, masyado na. "Paabot ng tuwalya." Sigaw niya mula sa loob.
Maliligo-ligo walang dalang twalya! Tsk. Napaka talaga.
"Oh." Inawang ko ng onti ang pinto para makuha niya. Tumalikod ako syempre. "Bakit?"
Tanong niya at di niya pa rin inaabot yung tuwalya. "Kunin mo na!"
Sigaw ko dahil namumula na ata ako!
Nakakahiya kaya. Psh. "Ba't ka namumula?" Taena. Sabi na eh.
Kamatis ba?? "Isa!" Babala ko at madalian niya itong kinuha.
Kailangan pang bantaan eh!
"Suot mo na." Utos niya pagkalabas.
Humarap ako sa kaniya at buti naman at nakasando siya. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Butler
VampirosMay isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay a...