Chapter 2

1K 31 5
                                    

Yhaze's POV

What? Why? Miracle. Mom is laughing because of...

Them. "Paano nangyari ito?" Nagugulat ding sambit ni Dad.

Hindi naman sa nagugulat kami, pero parang ganun nga. Parati kaseng ngiti lang ang kaya niyang ibigay kahit natutuwa na.

Anong salamangka kaya ang ginamit ng mga babaeng toh?

Tsaka, bakit babae? May ganun?

Anong kayang gawin nila na di namin kaya? Nakakapagtampo, Mom.

"Nakakatawa talaga kayo!" Sambit ni mommy habang di pa rin natigil sa pagtawa.

"Ahm, Senora? Ayos lang po ba kayo?" The girl with the violet hair asked. What's her name again? It's V something.

V? V? V? Ayun! Nasabi ko na pala pangalan niya eh! Violet nga pala ang pangalan niya.

Tss, bakit ko nga ba kailangan pang alamin? Isa o makalawa mapapaalis din namin yan dito.

"Pwede ba Mom, umayos kayo." Parang nahihiya na sabi ni kuya Benedict.

Pagkatapos ng ilang minuto, nabalik na sa katinuan si Mom. Tsk.








Patricia's POV

Hay. Mabuti at tumigil na ang Señora.
Akala ko nasisiraan na siya ng bait.

Sinarado ko ang isip ko, baka kasi mabasa nila ako.

Guys. Isarado niyo mga isip niyo. PALAGI.

At nakarating sa akin ang mga sinabi nila.

Aye aye! - Menchie
Yes sir! -Violet
OK! Got it! -Revvy

Umayos kayo ah. Nangako tayo sa kanila na aayusin natin tong trabaho natin na toh.

At ganun parin ang sagot nila. Nagtataka siguro kayo kung paano kami nagkakausap ng kami lang?

At walang umiimik o nagsasalita.

Dahil ito sa parang Bluetooth na earphone na galing pa sa Mundo ng mga Tao. May minsan ng napunta dito, at dala niya ang kagamitan niya.

Panahon pa yun na mayroong masasamang bampira. Meron pa rin ngayon, pero walang naglalakas loob na kunin ang mga tao dito dahil hindi nila kaya ang pwersa.

Inayos ito at dinevelop para pagsinuot mo siya, pwede mong sabihin ang nasa isip mo lang.

Depende pa kung anong gusto mong sabihin. Kaso di pwede. May bampira. Psh.

"So, girls. Ipakikilala ko sa inyo ang inyong mga aalagain." Nakangiting sabi ni Senora.

"At SANA AY MAKATAGAL KAYO." seryosong sabi ni Senor Wendel.

Huh? Bakit naman?

Magtatanong na sana ako ng maunahan ako ni Menchie.

"Huh? Bakit po? May kung ano po ba dito?" Sunod na tanong ni Menchie.

"Ang mga anak ko ay, hindi kagaya nang mga nakasanayan niyong lalaki na mababait,masunurin at higit sa lahat matino. Sapagkat, ang mga anak ko ay alam niyo na. Sigurado naman ako na, lahat ng tao dito ay nakausap niyo na, hindi ba?" Tumango nalang kami.

"Marami din malamang sabi-sabi na, kasing tigas ng bato ang mga ulo nila?" At tumango ulit kami pero merong nagsalita.

"Seriously? Sino ang mga nagsasabi nun? Ang babait namin." Sambit ng isang kulay langit ang mata. Pero halata sa kislap ng mata niya na parang unti nalang ay ngingiti na siya.

Psh.

"Benedict." Saway ni Senor. Tumungo siya pero halatang may sinusupil na ngisi.


*****

Pagkatapos ng mahabang litanyang pagpapaliwanag ni Senor ay tinalaga na kami. Malas ko naman!

Ako kay Barron. Si Revvy kay Benedict. Si Violet kay Yhaze. At si Menchie kay Reechie.

Umalis na si Senor at Senora upang puntahan ang iba pa nilang kasosyo sa business. Mga mayayaman nga naman.

"Hindi porket napatawa niyo na ang Ina ko, it doesn't mean that you will last here." Nakangising sabi ni Yhaze.

"Oh, talaga ba?" Taas kilay na sabi ni Violet. Hay! Hayaan ko na nga lang.

Sabi rin naman ni Senor at Senora na kung kelangan pagalitan, sige lang.

"We will make your life like a hell." nakangisi ring sabi ni Benedict.

"Ow? Really? Unang pagdating palang namin dito, nakakita na kami ng PANGET NA DEMONYO!" Sigaw naman ni Revvy.

Nasa study room kami, may iilan ring nagbabasa, siguro mga katulong toh, ang babata ng iba.

Sana di sila pinapahirapan ng mga kumag na toh.

"Yan ang huwag na huwag mong matawag-tawag samin!" Sambit ni Reechie.

"Na ano?! Na demonyo!" Sigaw din ni Menchie.

"Na PANGET! Kasi kung meron man, kayo yon!" Sigaw pabalik ni Reechie.

"Tsaka, halatang weak kayo. Butler ba talaga kayo? Mukha lang kayong maid." Presko na sabi ni Barron.

"Huwag mo rin kaming tawaging weak!" Sabi ko. Aba! Ok lang yung mga away nila pero, sinabihan kaming weak?

Di ko yun kaya! Si Master ang pinakamagaling na nagturo sa amin. Para sa akin siya na magaling sa lahat.

"Puro satsat, baka pag kinalaban kita. Tumba ka na agad." mahinahong sabi niya na may halong pang inis.

"Ate, wag kang bibigay!" Bulong na sigaw ni Violet.

"Sige. 1v1 tayong lahat. Pataasan ng score. Who ever wins, will dare the losers." kampante kong sabi.

"Game." sabi ng magkakapatid. Hmp.

The Vampire's ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon