Chapter 35

12 1 0
                                    

"Malapit na nga kami, Grant. Kulit mo."

[Kanina pa 'yang malapit mo! Baka kaka-alis niyo lang sa bahay ah!]

Hindi ko mapigilang mapa-irap dahil sa sinabi ni Grant. Baka nakalimutan niya pang may klase ako kanina at pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay sinundo ako ni Micheal.

"Maaga pa naman ah? Tsaka traffic," ani ko.

[Nakakahiya naman sayo. Nauna pa yung manlilibre at 'yung may birthday sayo, Catherine.]

"Wow, so kasalanan kong traffic dito sa pinas ha?! Gigil mo 'ko, e!" Singhal ko sakanya. Naramdamanan ko ang pagpatong ng kamay ni Micheal sa ibabaw ng hita ko na ikinalingon ko.

"Chill," nakangiti niyang sabi habang nasa harap ang tingin.

Huminga ako ng malalim bago nag-salita ulit. Kumukulo ang dugo ko kay Grant! "Basta malapit na kami. Traffic lang talaga." Mahinanon na ang pagkakasabi ko 'non.

[Nasa parking lang kami. Bilisan niyo! Pakisabi kay Micheal paliparin niya na kamo yung sasakyan niya!] Ani Grant saka pinatay ang linya.

"What did he say?" Tanong ni Micheal.

Bumuntong hininga ako at binalik sa bag ko ang phone ko. "Paliparin mo na raw yung sasakyan mo." Nag-mental note ako na pagkarating na pagkarating ko ay babatukan ko si Grant. Alak na alak?!

Mahinang tumawa si Micheal sa sinagot ko sakanya. Ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating na kami sa sinasabing club ni Janice. Hindi parin ako makapaniwala na nadawit ako sa plano na 'to. Ni-isang beses ay hindi ko ginustong pumunta sa club. Sayang oras at maingay pa pero sige, para sa kaibigan ko.

Pagkatapos mag-parking ni Micheal ay sabay kami bumaba para hanapin sila Grant at nakita namin sila nakakumpulan, tabi ng sasakyan ni Margie.

I was wearing a black fitted long sleeve crop top paired to my black leather skirt and black ankle boots. Micheal was wearing a two buttons down black short sleeve and pair of jeans and shoes. Nang makalapit ako ay agad kong sinalubong ng batok si Grant.

"Aray!" Daing niya at napahawak sa batok niya. "Ganda ng hello natin ah! Ikaw na nga 'tong late!" He was wearing a simple navy-blue printed shirt and jeans. May pa-accessories pa siya. Halatang pinaghandaan.

"Alak na alak ka kasi! Nakalimutan mo atang may klase ako!" Singhal ko sakanya. Tumataas ang presyon ko sakanya! "Asan si Chris?" Tanong ko nang mapansin na kulang kami.

"Susunod na lang daw siya," sagot ni Jean. Jean was wearing a simple dress under her orange cardigan.

Napatango ako at tinignan ulit ng masama si Grant. Nilabas lang niya ang dila niya na parang nang-aasar. Parang tanga, ako na late galit na galit pero si Chris na hahabol wala lang sakanya. Malasing sana siya mamaya. Papanoorin ko lang siya mag-lupasay sa lupa.

Napatingin din ako kay Margie na tahimik lang sa isang tabi. She's wearing a black shirt tucked in to her ripped jeans and also a black leather jacket. Naka-kunot ang noo niya at nakatingin sa mga taong pumpasok sa entrance.

Napag-pasyahan namin na pumasok na. Magkahawak kamay kami ni Micheal na sumunod lang kay Janice na ngayong nangunguna sa paglalakad tutal libre naman niya 'to.

Sinalubong kami ng malakas na tugtog nang makapasok kami. Hindi pa ako nakakatagal ng isang minuto parang gusto ko ng bumalik sa labas sa sobranv ingay. Kung hindi lang ako hawak-hawak ni Micheal ay hindi ko namalayang naiwan na pala ako nila Janice.

Umakyat kami sa second floor at tumigil sa dalawang malaking couch. Mukhang ito na ata ang pwesto namin. May mga hard drinks at beers na nakahanda roon pati mga baso. Magkatabi kaming umupo ni Micheal kasama si Margie habang nasa harap namin sila Janice na naka-upo rin sa kaharap naming couch.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon