Chapter 8

14 1 0
                                    

"Go Stem!"

Halos naghahalo na ang cheer ng magkalabang strand. Palakasan ng cheer at tuloy-tuloy lang ang laro. 2nd quarter na at mukhang bumabawi ang strand namin.

23 - 25 ang current score. Kami 'yung lamang pero mukhang magaling din ang kalaban namin. Kasama ang mga kaklase ko, nandito kami sa bandang harap. Hindi na kailangan tumayo pero itong mga katabi ko, nagsisitalon na kada pasok ng bola.

Tahimik lang akong naka-upo at nanonood. Nahagip ng tingin ko si Micheal na nakapamewang at mabibigat ang paghinga. Tagaktak na ang pawis sa mukha niya habang nakasalubong ang kilay niya.

Nagulat ako nang mag-tama ang mga mata namin. At mas kinagulat ko ang pag-ngiti niya saakin. What the hell was that? Agad niya rin binawi iyon saka nagpatuloy sa paglalaro.

Bakit ngumiti siya? Bakit niya ako nginitian? May naka-kita ba saamin? Dumako ang tingin ko sa likuran ko kung sakaling assumera lang talaga ako at pasimpli kong inilagay ang palad ko sa ibabaw ng dibdib ko. Damang-dama ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Muli kong sinulyapan si Micheal na nag-lalaro.

Napa-iling ako. No, it can't be. Siguro nag-kataon lang 'yon. Ayokong mag-assume na may malisya yun.

"Hoy, Cath! I-cheer mo naman si Grant! Mukhang pagod na!"

Napairap ako, "Tanga, baka nakakalimutan mong mag-lalaro ako mamaya."

"Hindi naman nakakapagod mag-cheer ah! Plus andaming pogi! Lalo na yung number 27! Ahhhh!"

Napangiwi nalang ako sa haba ng sinabi niya. Number 27? Sino ba 'yon? Kahit nasaakin yung listahan ng numbers para sa jersey nila, hindi ko naman binalak na kahisaduhin 'yon. Sayang lang sa oras, sasakit pa ulo ko.

Nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng number 27, si Micheal pala. Oo, gwapo si Micheal. Aminado ako roon pero hindi 'yon lang naman iyon ang hanap ko sa isang lalake. Basta mahal ako at rerespetuhin ako sa desisyon ko, ayos na saakin.

Hindi ko na namalayan na matagal ko na palang tinititigan si Micheal. Ingay ng buzzer ang nagpabalik sa diwa ko, hudyat na tapos na ang second quarter.

"Ayos ka lang?" Napa-angat ako ng tingin at nakitang nasa harap ko si Grant, umiinom ng tubig.

Tipid akong ngumiti sakanya, "Oo, balik ka na roon," sagot ko sakanya. Sinulyapan ko ang score board. Lamang sila ng 15 points. That's good. "Goodluck ulit," dagdag ko pa.

Ngumiti siya, "Kailangan manalo para sa libre."

"Kuripot," natatawang sambit ko sakanya. Isang ngisi lang ang binigay niya saakin bago bumalik sa coach nila. Nag-buzzer ulit para sa sunod na quarter.

Mas lalong naging mainit ang laban dahil pilit na humahabol ang kalaban sa score nila. Itong mga abnormal kong kaklase, hindi ko alam kung sino ba talaga yung chini-cheer nila. Strand ba namin o yung kalaban?

"Ahhhhh! Go kuya 8 na HUMSS! Go babyyyy!"

"Ay na-shoot! Ang galing talaga! Yummy!"

Mga traydor talaga.

Nag sub ang strand namin at pina-upo muna si Grant. May pumalit sakanya na ibang player. Napagod siguro 'yon. Hindi ko na siya nilapitan dahil pahinga niya 'yon. May last quarter pa, hindi dapat magpakampante.

"3 points kay number 27!"

Bumalik ang atensyon ko sa court at napatingin kay Micheal na nakangiting tumatakbo. Napangiwi rin ako sa malakas na tili ng mga tao sa likod at tabi ko dahil lang duon.

"Go, Micheaaaal!"

Nabaling din ang atensyon ko sa sobrang lakas na boses ng babae at napag-alaman na si Layla pala 'yon. Anak ng somai, may pa-banner ang babae! Wow, iba. E, 'di siya na. Mula sa kinau-upuan ko, kitang-kita ko ang paglabas ng ugat sa leeg niya dahil sa malakas niyang pag-cheer.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon