Chapter 55

10 1 4
                                    

"So, are you still hiding to my best friend?"

Napatingin ako kay Layla sa sinabi niya saakin. Tamang-tama ang pag-kakarating niya dahil lunch break ko ngayon at nakita niya ako saka sinabayan. Iniisip ko nga kung hindi ba siya busy lalo na't sa emergency department siya. Sana all diba?

Nag-tama ang tingin namin ni Layla, hinihintay ang sagot ko sa tanong niya kung tinataguan o iniiwasan ko pa rin ba si Micheal. And speaking of Micheal, naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa nangyari kagabi. Syempre, hindi ko sasabihin 'yung full detail. Baka tumalon pa sa tuwa itong kausap ko.

"Kahit taguan ko 'yon, susulpot naman siya sa condo ko," buntong-hiningang sagot ko at kinuha ang tubig ko.

"Is that what he did?" Kunot-noong tanong ni Layla.

Tumango ako. "Oo, kagabi," at uminom ng tubig habang naka'y Layla parin ang mata ko.

"And how was your talk went?" Muli niyang tanong at hindi ko mapigilang maibuga ang iniinom 'kong tubig. Ano ba naman 'yang tanong niya?!

Napatayo si Layla at mabilis akong inabubtan ng tissue. Patuloy ako sa pag-ubo. Muntik pang may pumasok na tubig sa ilong ko! Bakit naman din kasi iba ang ininterpret ng utak ko sa tanong niya.

"Oh no, are you okay? Hindi pa rin ba kayo bati?" Nag-aalalang dagdag niya. Mabilis naman akong umiling dahil kinakalma ko pa ang pag-hinga ko

Nang makabawi ako ay malakas akong tumikhim at inayos ang pag-upo. Naalala ko na naman 'yung nangyari kagabi! Bakit ba nag-rereplay sa utak ko 'yon?! Dahil ba unang beses namin ginawa 'yon? Iyon din ang unang beses na nahawakan ako ni Michael sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Dati nung bata pa kami ay hands-off siya. Wala rin naman nag-provoke saamin dalawa. Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil sa kaisipan na 'yon.

"Hindi... bati na kami."

"O... kay? Why are you blushing then?"

Nanlaki ang mata ko. Teka nga lang, bakit ba ang observant niya?! Halata ba na namumula ako?! Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. Mainit nga.

"Basta okay na kami," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Namayani ang katahimikan saamin dalawa. Hindi na rin nag-salita si Layla na ipinagtaka ko at sinulyapan siya. Nakatingin din pala siya saakin. Ilang beses akong napakurap at hinihintay siyang mag-salita pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo, nilapit ang mukha sa gilid ng leeg ko.

Malakas akong napansinghap nang maramdaman ang daliri niya sa balat ko. Agad kong tinakpan ang parting hinawakan niya dahil may concealer doon! Ngunit huli na ang lahat nang lumayo si Layla at pinakatitigan ang daliri niya.

"Is this concealer?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim habang ang isang kamay ko ay nakatakip pa rin sa leeg ko. Nag-tama ang mata naming dalawa. Kitang-kita ko ang unti-unting pag-taas ng sulok ng labi niya. O, diba? Kahit wala akong sabihin, alam na niya ang sagot sa sarili niyang tanong.

"I think I already know how you talk last night," nakangising sambit niya. Inirapan ko siya. Kasunod 'non ang malakas niyang pag-tawa. At dahil wala naman akong masabi dahil guilty ako na ibang paraan ang pag-uusap naming kagabi ni Micheal.

As if naman ako 'yung nag-initiate?! Hindi 'no! I was minding my own business and eating peacefully tapos dumating siya. Hindi rin naman planado 'yung nangyari. Baka si Micheal! Well, as long as naman na parehas kaming aware sa ginawa naming. We're not drunk last night to forgot what happened, I'm okay.

Naalala ko pa na wala akong naramdaman na hiya nang makita ni Micheal ang kabuuan ko. I was not thinking straight! Masyadong masarap at nakakahibang ang ginagawa ni Micheal! Wala na nga akong time para makita rin ang sakanya. At isa pa, madilim pero basta alam ko.... Malaki siya hehe.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon