"Tumayo na kayo at pumunta sa chem lab."
Agad naman tumayo ang iba kong mga kaklase saka isa-isang lumabas ng room. Mabilis lumipas ang araw ngayon dahil papalapit na ang intrams. Kahapon ay nag-training kami at ngayon wala. Nasasanay na ang katawan ko sa pagod pero minsan nakakatulugan ko ang ibang subjects.
"Cath, tara na," tawag saakin ni Grant na nasa pinto. Binitbit ko ang mga gamit ko at naglakad palabas. Nilock ko pa ito bago umalis para walang manakawan saamin.
"Nagawa mo ba yung assignment?" Tanong ko sakanya. Naglalakad kami ngayon papuntang chem lab.
Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, "Oo naman! Ako pa! Baka perfect pa 'to," confident niyang sagot saakin. Napairap nalang ako.
"Buti naman dahil ilulublob kita mamaya sa tubig."
"Kamusta kayo nung Micheal?"
Kunot-noo ko siyang tinignan. Anong meron saamin? Simula nang magkita kami nuong nakaraang linggo, hindi na kami nag-uusap. For what? Wala naman na kaming dapat pag-usapan pa. Tsaka wala na akong utang sakanya noh.
"Wala," sagot ko nalang sakanya.
"Naku po, ang hina naman ng lalake na 'yon."
Huh? Pinagsasabi nitong lalake na 'to? Kahit curious ako ay hindi nalang ako nagtanong pa.
Pagdating namin sa chem lab ay nagklase at activity na kami. Dalawang oras kami nandoon kaya drain na drain ang brain cells ko. May reaction paper pang pina-assignment.Pagbalik sa room ay may 15mins break bago sa susunod na subject kaya umiglip muna ako saglit. Nagpaalala ako kay Grant na gisingin niya ako pagdumating na yung teacher namin.
"Cath, gising na. Uy!"
Anak ng somai... kakapikit ko lang ah?! Inangat ko ang ulo ko at nakitang andyan na talaga ang teacher namin. Bwiset naman oh. Wala akong nagawa kundi makinig sa lesson kahit minsan ay nakakatulog ako. Buti nalang tinatapik ako ni Grant para maggising.
Nang mag-lunch break, plano ko sana matulog nalang imbis na kumain pero pinipilit ako ni Grant sumama sakanya.
"Kayo nalang nila Lenard, Grant. Inaantok talaga ako," antok na sambit ko.
Kinuha niya ang kamay ko saka hinatak iyon. Nakaupo ako ngayon at pilit niya akong pinapatayo. Kulit naman nitong lalake na 'to. Hindi ba niya kayang kumain mag-isa?!
"Ayoko nga. Buraot yung mga 'yun. Kumukuha ng pagkain!"
Galing naman ng excuse ng lalake na 'to. Kala mo siya hindi buraot eh.
"Oo na. Sasama na ako." Kinuha ko ang wallet at phone ko saka kami lumabas ng room dalawa.
As usual, maingay ang canteen dahil sa mga students. Nagbigay nalang ako ng pera kay Grant para bilhan ako ng pagkain habang ako ay humanap ng mauupuan namin dalawa.
Sa may gilid ako nakakita ng bakante kaya duon nalang ako umupo. Nakapalumbaba lang ako habang nagcecellphone nang mag-pop out sa notif ko si Margie.
smargie: Hey
Anong kailangan nitong babae na 'to? Nag-type ako para magreply sakanya.
cathisag: ano?
smargie: Come here. I have an early dismissal.
cathisag: sana all
Joke lang, maaga rin dismissal namin ngayon. Dalawang subject nalang ang natitira tapos uwian na.
smargie: My treat. Come with Grant.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...